ANA: "Grabeng HILAKBOT (horror) ang gumigiyagis ngayon sa kampo ni Nognog nang kumpirmahin mismo ni Sen Serge, vice chaiman ng Senate BRsC, na BERI-KOMBINSING na isasadlak sa kalaboso ang mag-amang Nognog at Dayunyor, et al, kapag sinampahan na sila ng plunder case ng OMB sa SB before May 2016 presidential elections, batay sa rekomendasyon ng BRsC, o, ha! Eh pa'no na kaya ang kandidatura ng mag-ama kung sakaling nasa CALABOOSE na sila during the campaign period, ha?"
LISA: "Puede naman 'yon, 'ga. Kung maaalala mo, ang rapist noon ng 12-year old girl na si TONGresman Jaluslos sought reelection at nanalo habang nakakulong at dinidinig ng SB ang kanyang kaso. Gayundin si Sen Sonny, eh nanalo rin bilang senador habang nasa kalaboso sa kaso namang kudeta, o, 'di ba? So, kung tatanungin mo si Nang Si, eh NEVER na nawala ang pag-asa nilang TIYAK na mananalo ang kanyang ama't mga kapatid (Dayunyor at Ube) sa 2016 elections! Kase, paldo-paldo ang pambili sa mga BOBOtantes!!!"
CION: "Ah, hindi kombinsing 'yang paliwanag mo 'day. Tingnan mo, SINAGKAAN (frozen) ng AMLAC kamakailan na mai-withdraw ang P13 TRILLON total deposit sa iba't-ibang bangko ni Nognog at dummies for 6 months, 'di ba? Halimbawang merong UNAng NAIPUSLIT na cash withdrawals for election fund at ITINAGO ang bulto-bultong cash sa Sanchamp property sa Rosario, Batangas, eh hindi na rin magagamit na pambili ng boto ang cash-money. DEMONETIZED na kasi ng Central Bank ang old P1000 bills, Nang Si!"
No comments:
Post a Comment