ANA: "Sa tingin ko eh nag-a la OUTLANDISH (lukaret o katawa-tawang) senadora si Nang Si sa pagLIBAK nito sa kapwa senadores na nagsipirma sa committee report laban sa mandarambong niyang ama. Maliban ke Sen Trillanes na isang PMA'er, eh pulos de-kampanilyang abogado, by profession, ang mga pumirma ng committee report. Kung ikukumpara sa propesyon ni Nang Si na taga-pamudmod ng cake sa taga Bgys CemBO, ComemBO, RemBO, PemBO, ano ang naintindihan ni Nang Si re legal matters?"
LISA: "Hindi naman siguro papatulan ni Sen Brenda si Nang Si, provided, 'di mapipikon si Brenda, noh! Otherwise, baka makatikim ng LECTURE from Brenda si Nang Si re her SNIDE (maliciously derogatory) - 'I only hope that they realize soon enough that the report they signed, despite taking 21 hearings in order to complete, will be useless when it reaches the Ombudsman.' Bakit, Nang Si, sa akala mo ba'y kaya ng ama mo, na isa ring aboGAGO, para alukin ng AREG LAW (areglo) si OMB Conchita? Sige, subukan n'ya!!!"
CION: "Aandap-andap na kase ang pag-asa ni Nognog na matutuloy pa ang kanyang hinahangad na kumandidato para panggulo ng Phl sa May 2016 presidential elections. Unang-UNA, ang problema niya'y walang gustong makaTANDEM siya, gayun din ang line-up ng 12 senatoriables. Ikalawa, halimbawang merong maghangad na naki-tandem at sumama rin sa senatorial line-up ni Nognog for the FUND of it, maibibigay kaya sa kanila ang pondo kung makukulong naman si Nognog before the 2016 elections???"
No comments:
Post a Comment