Tuesday, June 30, 2015

MAR TO DAYUNYOR: YOU'RE NOT SPECIAL, YOU DON'T OWN MAKATI

ANA: Sana, 'yung word na SPECIAL ni SILG Mar patungkol sa Mkt meyor eh dinugtungan pa niya ng CHILD para kompletong (special child) nga si Dayunyor ni Nognog, o, 'di ba? Bilang DILG secretary kase, eh SINERMUNAN ni Mar si Dayunyor - na huwag siyang umastang HARI ng Mkt. Batas ng Republika ng Phl ang umiiral sa Mkt at hindi kaharian ng BINAYaran dynasty! Anong say n'yo Nang Si & Ube sisters?"

LISA: Wala namang BINATBAT 'yang 2 magkapatid na 'yan sa Senado at sa House eh. So, sa buong Mkt lang nila nagagawa, bilang KAHARIAN na pag-aari kuno ng dinastiya BINAYaran, ang kanilang negosyong PANGANGAMKAM ng 13% mula sa infra projects 'tsaka ng taxpayers' money. o, biruin mo 'yon? Kaya nga tulong-tulong silang buong pamilya na ipinaglalaban ang KATIGASAN-NG-ULO ng kanilang kapatid na si Dayunyor na isang special child ng tatay nilang si Nognog, ayon sa sermon ni SILG Mar, o, 'di ba?"

CION: Sa palagay ko 'day, eh hindi katigasan, kundi KASIRAAN ng ulo ni Dayunyor ang ibig mong sabihin. Sigurado akong MINANA ni Dayunyor mula sa kanyang amang si Nognog ang KABABAWAN ng pag-iisip nito (Dayunyor), noh! Tingnan mo, sukat ba namang a la siga-sigang PINAGDUDURO tsaka pinitserahan at pinagsusuntok ni Nognog ang mga pulis na nagbabantay sa ibaba ng opis ni Dayunyor. Ang resulta? RIOT! Bilang VP, Nognog is sworn to UPHOLD the law, pero siya mismo ang BASAGULERO!"

No comments:

Post a Comment