Sunday, June 7, 2015

NOGNOG CAMP IN ONE HUNDRED-METER-DASH RETREAT

ANA: "Nag-a la INFERNO na ngayon ang PAGBUBUNYAG na pinaSIKLAB ng Nognog spookmen na sina Tutubi Tiangko at JB Butata na isang FOUNDLING (sanggol na itinapon) si Sen Grace Poe, kaya 'di puede itong kumandidato for pres or VP ng Phl! Gano'n? So, bilang damage control, eh inayudahan ng legal opinion ang PASABOG na'to vs Grace ng aboGAGOng si PorTONG na isang de-kalembang kunong TANGApagtanggol ng mga certified na mandarambong, 'gaya ng mga Ampatuan, por eksampol, o, di ba?"

LISA: "Yes, yes yeow! Pero ibahin mo si Sen Grace noh! MAG-ISA lang nitong hinarap at sinagot ang pagKUYOG sa kanya ng Nognog camp na nagresulta sa pagkaLAGAS nila na para bagang dinaanan ng IPU-IPO, o, ha! Pa'no, walang kumampi ke Nognog mula sa publiko, maging mga botantes ng barangays ComemBO, PemBO, RemBO 'tsaka sa CemBO, Makati, sa below-the-belt at personalang panlalait vs Grace ng mga BINAYarang factotums ni Nognog, noh! Nagbabadya na ang pagkaLIPOL mo, Nognog!"

CION: Korek ka r'yan 'day! Puedeng ihambing si Nognog at mga factotums (ALIPIN) nito, na paspas ang pagsasagwan sa sinasakya nilang LUMULUBOG na bangka patungo pero 'di na aabot sa dalampasigan! Mamimigay sana ng kilong-bigas, de-latang sardinas, t-shirt na me tatak 'iBOBOto Nognog'. Kase, wala nang naghihintay ke Nognog sa aplaya na BOBOtantes, pa'no, maging 'yung mga unang inalok nitong kaTANDEM sana niya, Pangilinan, Berberabe, Sen Grace Poe, Duterte at Erap, UMAYAW sa kanya!"

No comments:

Post a Comment