Saturday, June 6, 2015

FEDERAL-PARLIAMENTARY FORM OF GOVERNMENT

ANA: "Ay, talagang TUMITIMO (penetrating) sa puso't isipan ng Pinoy ang isinusulong ni ex-CJ Reynato Puno re i-COVENE ang constitutional-convention (CONCON) para sa Federal-Parliamentary form of Gov't ng Philippine Consti. Tatawagin itong Bagong Sistema, Bagong Pag-asa. Tinitiyak ni Puno na mabubura ang political insanity, rigodon of the undeserving, ang repercussion ng BBL, disputes in China Sea, corruption & poverty kung KAGYAT na mabibigyan ng solusyon ang mga nakaambang KRISIS na'to!"

LISA: "Yes, yes, yeow! Bilang KAPURAL sa pagsusulong ng Charter Change (Bagong Sistema, Bagong Pag-asa), eh klaro sa publiko ang paliwanag ni Puno.TANGING cha-cha thru a concon lamang umano ang solusyon upang ang namimintong KRISIS na'to eh mabigyan ng kalutasan, sino pa man ang mahahalal na pangulong papalit ke PNoy. Samakatwid, kelangang ISABAY sa presidential elections sa May 2016 ang eleksiyon din ng ConCon delagates. Bawal kumandidato ang mga talunang politiko noong past elections!"

CION: "Sa tingin ko eh marami ang AMENABLE (likely to listen or cooperate) na voters, kasama pati mga BOBOtantes, sa panukalang ito ni Puno. Para sa'ken, upang masasala ang mga TRAPO na sumali sa eleksiyon ng ConCon delegates, huwag papayagan (disqualify) para kumandidato for ConCon delegate ang mga trapong 2-beses nang natatalo sa elections. Kung magtatagumpay ang cha-cha batay sa panukala ni ex-CJ Puno, ang scenario ng krisis na binabanggit ni Ana eh tiyak na malulutas. Ibalik ang death penalty!!!"  

No comments:

Post a Comment