Tuesday, June 23, 2015

NOGNOG SHOULD ALSO RESIGN FROM BSP

ANA: "Sa pakiwari ko'y a la orkestrang sintunado ang TINATAGHOY ngayon nina Tito Sen at Sen JV matapos MALUGOD at walang-panghihinayang na tinanggap ni PNoy ang irrevocable resignation sa gabinete ni Nognog no'ng Lunes. Ginawa lamang daw PUNCHING BAG si Nognog ng Malakanyang, HIMUTOK naman ni TONGreswoman Ube Bulate. IpinagDIINAN pa ni Ube na binitawan na rin daw ng amang si Nognog ang pagiging bigboss ng HUDCC, PagIBIG Fund at HLURB, mga pabrika ng PERA!"

LISA: "Nakana mo 'ga, peksman! Kase, HUMATAW na ang mga kakosa ni Nognog sa Senado. Kelangan daw na mag-resign na rin sa gabinete ang mga kakandidato sa 2016, 'gaya ni Mar Roxas, para umano hindi niya gamitin ang taxpayers money sa maagang pangangampanya. Ang tindi rin namang mang-UROT ng BOBOtantes nina Tito Sen at Sen JV na nak-a sa basla ni Erap, o, ha! Kung matatandaan kase, mula manalong VP si Nognog no'ng 2010 eh nangampanya na para prisidinti, nilulustay eh pondo ng bayan!!!"

CION: "Tumpak ka r'yan 'day. Sure ako na 'di na makakaporma ng MAELSTROM (turbulent confusion) si Nognog para paikutin a la tsubibo ang isipan ng publiko, partikular ang mga BOBOtantes, na official duty niya bilang cabinet secretary, na maglakbay daily sa buong Phl para lamang MAGPAMUDMOD ng kilong bigas, lata ng sardinas, T-shirt at P500 cash? Ang Boy Scouts of the Philippines (BSP) eh isang GOCC at merong bilyon-bilyong pondo, subalit, si Nognog pa rin ang nakaupong presidente at me kontrol sa pondo!"

 

No comments:

Post a Comment