Saturday, June 20, 2015

NOGNOG: NO BACKING OUT OF PRESIDENTIAL RACE

ANA: "Ang lakas din ng fighting spirit ni Nognog, noh? Sabi kase ng anak na si Nang Si, masahol pa umano ang 2% rating sa survey ng kanyang amang si Nognog no'ng 2010 habang kumakandidatong VP, pero si Nognog ang nanalo, o, ha! Kaya nga raw, 'di pinag-aalinlanganan (UNDOUBTED) ni Nognog na siya pa rin daw ang mananalong panggulo sa kasalukuyan niyang poll result na 22% bumaba mula 30% surveyed by Pulse Asia, 'tsaka 34% rating mula 42% ng poll results surveyed by SWS, ngayong buwan ng Hunyo! See?"

LISA: "Ah, wala 'yan, halata na kasing dinaDAGA ang kalooban ni Nognog, peksman! Pa'no, ramdam na niyang malapit na silang isyuhang mag-anak ng arrest warrants ng SB kapag isinampa na ng OOO ang plunder case(S) endorsed earlier to the OMB by the Senate BRsC. So, ang plataporma ni Nognog kung sakaling itutuloy niya ang kandidatura niya habang nakakulong, eh kunwa'y API-APIHAN (downtrodden) siya. Asus! Niregaluhan na kaya ng cake ni Nang Si si Nognog ngayong araw ng fathers' day?"

CION: "Mantakin mong sumawsaw pa sa ISYU si dating Manila meyor Tolits Atienza na merong ambisyon mag-senador under UNA noh! Nagpalipad-hangin si Tolits vs Sen Grace - na wala raw experience - kung mananalong presidente. So, pa'no raw malulutas ni Grace ang TALAMAK na problema ng Phl? Kasama kaya sa problem ang pandarambong ni Nognog? Walang dudang DOBLE-KARA 'tong si Tolits, 'di ba? Remember, si Tita Cory eh binatikos noon ni FM na WALA raw ALAM porke isang housewife lamang!"    

No comments:

Post a Comment