ANA: "Lipos ng sindak ang Nognog clique dahil sa biglaang NANGULIMLIM ang ilusyon nitong mananalo para kandidatong panggulo sa May 2016 presidential elections, matapos itong mag-resign sa gabinete ni PNoy kamakailan. Binatikos (BERATED) ng todo ni Nognog factotum (alipin) na si Joe SalGAGO si Malacanang spokeswoman Abi Valte, kase, sinabi ni Atty Valte na maghain din SANA ng courtesy resignation lahat ng amuyong na inilagay sa gov't ni Nognog bilang COTERMINOUS ng VP."
LISA: "Tiningnan ko sa dictionary ang meaning ng coterminous (adj.) 1. having a common boundary; 2. coextensive or coincident in range. So, kung kusang nag-resign si Nognog as cabinet member, eh dapat na awtomatikong mag-resign na rin ang mga IPISyal na inilagay ni Nognog sa HUDCC, Pag-IBIG at HLURB bilang coterminous niya,o,'di ba? Ito kasing si SalGAGO eh umaastang baliw, 'gaya rin ng amo niyang si Nognog, porke bihasang gumamit ng PRETEXT (a false reason concealing the real reason), o, ha!"
CION: "Ay, me tama ka r'yan 'day, malake! Kase, natataranta na rin daw ang mga UNA members na kasapi sa majority coalition sa House, ayon ke Rep Edgar Erice (Caloocan). Pa'no naman, walang tigil sa katatahol umano ang mga attack dogs ni Nognog, 'gaya nina SalGAGO at RamoNA Ilagan, eh pa'no pa raw makakaAMBOS ang UNA members ng benepisyo kung ititiwalag na rin sila sa majority coalition, 'di ba? Dagdag pa ni Erice: 'UNA which Binay leads would be in CONFUSED situation!' Sasapi na lang sa LP?"
No comments:
Post a Comment