Wednesday, June 10, 2015

I WILL BE UNIFYING PRESIDENT - NOGNOG

ANA: "Ang tindi palang mang-ALASKA (praise-release) nitong si Nognog, noh! Eh, meron pa siyang PAHIMAKAS (huling pamboBOLA) sa media para alamin ang epekto sa publiko, partikular sa mga BOBOtantes, kung meron pang natitirang SAMPALATAYA sa kanya. Eh, kaso, wala na, NADA! Hindi kaya pinababasa ke Nognog ng mga spookmen nito ang nagpuPUYOS na komento laban sa kanya mula sa netizens (internet) re ilusyon nitong maging panggulo ng Phl? Siya raw kase ang magiging unifying president?!"

LISA: "Pahimakas, parting words sa Ingles! Baket, ramdam na ba kase ni Nognog na babad-na-babad siya, kumbaga sa labahing damit, na nahulog sa mabantot (FETID) na putikan? Hindi na rin ba kayang pabanguhin ng sabon ang labahing damit na nahulog sa mabantot na putikan? Well, parang huling-baraha na nga ni Nognog ang praise release nitong unifying president daw siya kung siya ang mananalo! Para sa'ken eh POSIBLE naman na mapagkakasundo niya ang sige-sige at bahala na gangs sa Munti, as president. O, ha!"

CION: "Sa totoo lang noh, nag-umpisa ang kalbaryo ni Nognog ng puntiryahin niya si Sen Grace Poe at isiwalat sa publiko na isa lamang daw itong FOUNDLING (sanggol na itinapon). So, hindi umano kualipikadong tumakbong president o VP, porke hindi raw Pinoy ni Grace? Mag-isang INALMAHAN ni Grace ang kampo ni Nognog at EPEKTIB 'to 'day! Kase, a la ipu-ipong sinalanta ang pangarap ni Nognog sa itatayo sanang palasyo (Malakangyang) sa buhanginan. Namiminto na ang kulungan para ke Nognog!"

No comments:

Post a Comment