Tuesday, June 16, 2015

DAYUNYOR LOSES BID TO INHIBIT CJ SERENO

ANA: "Muling sumablay ang maneobra ng mga aboGAGOs na itinoka ni Nognog sa pagtatangka nilang ipawalang-saysay ang kaso ng HIFALUTIN (hambog at pasikatero) niyang anak na si Dayunyor sa SC. Nauna rito'y hiniling ni Dayunyor sa pamamagitan ng 46-page motion para mag-INHIBIT sa pagdinig ng kanyang 6-months suspension order na ipinataw sa kanya ng OMB, sina: CJ Lourdes Sereno, Sr Asso Justice Antonio Carpio at si Asso Justice Martin Villarama. Kagyat na IBINASURA ng SC ang motion!"

LISA: "Halata na ang TAKOT sa dibdib ni Nognog. Paulit-ulit na lamang ang kanyang mga PALUSOT na pinupulitika lamang siya ng LP sa pamamagitan ng PANINIRA umano sa kanyang pamilya dahil siya pa rin daw ang nangunguna sa SURVEY ng False Acia bilang susunod na pangulo ng Phl! So, binago ni Nognog ang kanyang istilo bilang isa nang SANCTIMONIOUS (nagbabanal-banalan)! Asusmaryopes! Makikita kase siya sa isang photo-ops na taimtim na nakaluhod sa loob ng isang simbahan. Ano ang dinarasal?"

CION: "Ramdam ni Nognog na nasa huling YUGTO na ang kanyang landasin. DEAD-END! Hindi na siya puedeng bumuelta para harapin ang kanyang mga asunto. Hinding-hindi siya papayag na hindi makamit ang minimithing maging panggulo ng Phl. Itataya niya ang kanyang buhay at pamilya para dito. So, PAPAANO? Kung ilalagay ko ang isipan ko sa kokote ni Nognog eh mababasa ko ang kanyang plano: Gagawa siya ng eksena ng SAKUNA (accident) na ikawawala ni PNoy at siya ang hahalili as president? BALAKYOT!"  

No comments:

Post a Comment