Tuesday, June 2, 2015

UNA: SEN GRACE IS UNQUALIFIED TO RUN FOR PRESIDENT

ANA: "O, kitam! No'ng UNA eh sagad ang papuri ni Nognog ke Sen Grace habang nililigawan pa lamang para yayaing kaTANDEM niya bilang VP, pero tinanggihan. Eh pa'no kase, kahit saan anggulo mo sipatin si Nognog eh mukha naman itong HUMPTY-DUMPTY (bansot, maitim at parang 'di naliligo) at hindi siya HALIMUYAK presidentiable, bagkos eh, kawangis lamang ito ng karpinterong-binihisan, peksman! O, 'di ba, Nang Si? Paalala lang my dear, 'wag mong kalilimutan ang palaging magpahid ng deodorant, oke?!"

LISA: "Uh-unga 'ga. Kaya nga biglang umaray ni Tutubi Tiangko at insigidang PUMITADA sa ac/dc media - 'Grace Poe does not meet 10-year residency requirement as per Art 7, Sec 2 of the Consti requirerd for a presidential or a vice presidential candidate.' Maliwanag na ito'y isang ploy para muling MAGHASIK sa publiko ng mga STRATEGY (tragedy) upang pag-awayin si Mar Roxas at Sen Poe pabor ke Nognog! Kase nga'y nahihiwatigan ng kampo ni Nognog na posibleng magTAMBAL sina Mar at Grace! O, ha???"

CION: "Ramdam nang BUMUBULUSOK ang pag-asang mananalo pa bilang panggulo ng Phl si Nognog. Kase nga, kumbaga sa gripo eh PINUTOL na ng AMLC ang daloy ng tubig (fund) na dati'y pirmihang pinangdidilig sa mga BOBOtantes sa buong kapuluan, 'gaya ng kilong bigas, lata-ng-sardinas, t-shirt na me tatak iboto si Nognog, etc. Umiskerda na rin ang ilan nitong retained SPOOKMEN, kase, putol na nga ang dating tuloy-tuloy na daloy ng bread. So, BINABALISAWSAW na si Nognog porke makukulong na!!!"

No comments:

Post a Comment