Wednesday, June 17, 2015

NOGNOG VISITS 3 MARKETS IN RIZAL PROVINCE, BUT DENIES CAMPAIGNING

ANA: "Nag-research ako at natuklasan kong halos lahat ng salitang ADJECTIVES (pang-uri) na ikinulapol o ikinabit laban ke Nognog mula sa mga netizens tungkol sa mga shenanigan (ROGUISHNESS) nito eh ubos na! Tulad ng mga salitang DAYUKDOK, UROT, TUNGGAK, UNGAS, HAYOK, IMBI, BUHONG BALIW, HANGAL, SUKAB, BALAKYOT, etc, eh 'di tumalab ke Nognog, as in, walang EPEK! Anong klase kayang thick-skinned mammal ang pinagmanahan ni Nognog, HIPPOPOTAMUS???"

LISA: "Me tama ka r'yan 'ga, peksman! Sukat bang mangampanya sa mga palengke ng San Mateo, Rodriguez at Cogeo, Antipolo sa Rizal province si Nognog kahapon, 'tsaka, namudmod sa mga dinatnang BOBOtantes doon ng wheelchairs at mga t-shirt na me tatak 'Kay Binay, gaganda ang buhay'! Hay juice koh, pachydermatus nga si Nognog, noh! Kase, umamin mismo siya sa kanyang talumpati, na bukod-tanging siya lang ang presidentiable na merong EXPERIENCE at CAPABILITY bilang MANDARAMBONG!!!"

CION: "Yes, yes yeow! Nilinaw din ni Nognog sa kanyang talumpati na HINDI siya nangangampanya, kundi, official business (OB) daw niya 'to! O, ha? Wala man lang bang kahit isang matapang na journalist na nagtanong ke Nognog kung saan niya kinukuhang pondo ang ipinambibili ng mga ipinamumudmod sa mga BOBOtantes? Ang main issue kase sa pangangampanyang 'to ni Nognog eh kung SAAN ba nanggagaling ang pondo para siya magpamudmod ng bigas, lata ng sardinas, t-shirt at 500 cash? Attn: COMELEC!"  

No comments:

Post a Comment