Wednesday, June 24, 2015

NOGNOG: PNOY GOV'T 'PALPAK, MANHID'

ANA: "Palpak, manhid ang SKIT (maikli't mapang-uyam) na pakulo ni Nognog sa ipinatawag nitong presscon sa kanyang opis kahapon. Paktapos niyang lait-laitin ang PNoy Adm eh kagyat na UMISKERDA si Nognog para umiwas sa INTERPELLATION (tatanungin) ng media sa kanya. DUWAG! Matatandaang nagBOOMERANG (backfired) sa mukha ni Nognog ang unang pasabog nito vs Sen Grace na umano'y foundling (sanggol na itinapon) lamang ito, kaya 'di puedeng kumandidatong pangulo o kaya eh VP!"

LISA: "Parang sa tingin ko eh DO OR DIE na ang ikinikilos ngayon ni Nognog,'di ba? Mantakin mong kaaya-ayang tinanggap naman ni PNoy na walang-panghihinayang ang pagbibitiw ni Nognog bilang cabinet member, eh bakit nagpuputok ang butse niya ngayon at sinasabing 'PNoy gov't PALPAK, MANHID' sa presscon na ipinatawag, o ha! Ang totoong ipinagsisintir kase ni Nognog vs PNoy eh bakit lalo RAW siyang IDINIDIIN ng LP sa kanyang kasong pandarambong sa halip na awatin sila para sa AREG-LAW? Hangal!"

CION: "Hoy, 'lamobang naghahanap ng MAKAPAL-NA-BALAT ng mammal ang Firestone Tires para sa pag-aaral sa isusulong nilang susunod na henerasyon ng goma para sa traktora? Kung makukulong sa madaling hinaharap ang BINAYaran dynasty, puede sigurong mag-undergo sila ng SKIN TEST ng kanilang balat para sa iniimbentong tractor tires ng Firestone, 'di ba? Siguradong papasa ang gagawing pagsusuri sa a la pachyderm na balat ng buong pamilya ni Nognog habang nasa kalaboso. Nasa genes kasi 'yan eh, 'di ba?"

No comments:

Post a Comment