Thursday, June 11, 2015

PNOY STILL SILENT ON ANOINTING MAR

ANA: "Ito na ang panahon ng PSY-WAR (palipad-hangin) ng mga nagsusulong ng kanilang intensiyong sumabak sa 2016 elections, partikular ang mga posisyon ng pangulo at pangalawang pangulo ng Phl, o, ha! Ang hirit kase ni Nognog ke PNoy, eh UMAASA pa rin daw siya (Nognog) na mai-endorso ni PNoy bilang IPISyal na kandidatong panggulo! Pero kagyat na WINASAK (dashed) ni PNoy ang PADUDING (psy-war) ni Nognog para 'di makaPORMA, bagkos, tikom ang bibig kung sinong anointed one, Mar o Grace?"

LISA: "Pa'no kase, kasado na ang SCRIPT na ipapalipad-hangin sana ni Nognog for TKO (technical knock-out) vs Mar o Grace, sino man sa 2 ang anointed presidential candidate ni PNoy. So, kumbaga sa 38 kalibreng DE BOLA na pangwasak SANA nito vs Mar or Grace, eh, kagyat na nag-BACKFIRE 'yung a la teka-tekang DE BOLA sa mukha mismo ni Nognog! See? Sagot kase ni PNoy sa harap ng media re hirit ni Nognog - 'the support I could give Nognog is to ensure credible and orderly elections.' O, ha!"

CION: "Korek ka r'yan 'day! Bukod pa'to sa isyu ng NAMIMINTONG isampa ng OMB sa SB ang kasong plunder vs BINAYaran dynasty before May 2016 elections. THEREFORE, tiyak na nasa loob na ng kalaboso si Nognog, asawa at mga anak during the campaign period??? So, ito talaga ang scenario na kinatatakutang posibleng mangyayari sa pamilya BINAYaran. Kase, para silang NASUKOL na mga daga sa plunder case(s), so, pilit iniuugnay ang politika (kandidatura niya) para pamBOLA sa mga bobotantes!!!"    

No comments:

Post a Comment