Saturday, June 13, 2015

NOGNOG VOWS WAGES FOR BGY EXECS

ANA: "Ang lupit ding maghayag ng PALIPAD-HANGIN si Nognog, noh! Arogante pa ang paliwanag nitong kung 'di raw aaksiyonan ng PNoy Gov't, eh siya, bilang susunod na panggulo (?), eh gagawin daw niyang regular gov't employees ang lahat nang barangay executives sa Phl? Ito, ayon pa sa ILUSYON ni Nognog, eh sa pamamagitan ng pagkakaloob sa mga bgy execs ng GSIS membership! Nagpalakpakan, nagsigawan at naglundagan ang mga MIRON sa kumpas ni ex-TONGresman Danilo Suarez ng Quezon."

LISA: "Yuk! Mintis na naman ang payanig ni Nognog, 'ga. 'Wag naman niyang ismolin ang kapasidad ng utak ang mga BOBOtantes ng Quezon province noh? Kase, karamihan sa kanila, eh nakatuntong din naman ng high school. Siempre, 'yung pamBOBOla ni Nognog eh bumabalik at sa kanya mismo LUMALATAY, peksman! Itinuturo kase sa high school na ang Phl eh merong democratic form of gov't. So, ang function ng Phl President eh para magpatupad ng batas na dumaan sa debate bago inaprobahan ng Kongreso, o,'di ba?"

CION: "Uh-unga, 'day! 'Yang SUMPA (vow) na 'yan ni Nognog sa Quezon province eh para pang-press (praise) release consumption lamang ng UNA. Mabuti na lang at hindi si ac/dc MyLove aWhore ang naka-ISKUP ng istoryang ito, kaya naman kita kong medyo BALANSE ang news at hindi pabor ke Nognog, o, 'di ba? Kase, sangkaterbang KIYAW-KIYAW ang mga pangakong binibitiwan ni Nognog sa harap ng kaHAKOT-HAKOT niyang audience sa Quezon na hinakot ng kakosang si Suarez! Suarez for VP???"  

No comments:

Post a Comment