Friday, June 12, 2015

JV EJERCITO FAVORS GRACE; JINGGOY FOR NOGNOG; ERAP UP FOR GRABS

ANA: "O, kitam! Sumasalipadpad na sa media ang mga press (praise) release ng UNA, pero siempre, isa lamang 'tong psychological warfare (psywar) para masukat ng UNA ang viability nito KUNG ito'y makahaHAKOT ng boto mula sa mga BOBOtantes, noh! Starring dito ang half-brothers na sina JB at Junggoy, kasama ang kanilang ama na si Erap re kung sino kuno ang susuportahan ng kanilang dinastiya, si Nognog o si Grace? Eh saan naman kaya manggagaling ang pondo ng TRIAL & ERROR project na'to, ha?"

LISA: "Ay, alam ko kung para saan 'yang proyekto ng pamBOBOla na 'yan ng dinastiya ni Erap. 'Yan eh para sa pagpapatibay ng A I D E, o, ha! It means, AVARICE (kasakiman), IGNORANCE (kamangmangan), DEPRAVITY (kabuktutan) at EXPLOITATION (pagsasamantala). 'Yan eh upang manatili sila sa kapangyarihan para patuloy at walang sagabal nilang HUTHUTAN ang kaban-ng-bayan! Biruin mo 'yon? So, kelangang alamin nila ang PULSO ng BOBOtantes, pabor ke Grace o ke Nognog?"

CION: "Me tama ka r'yan 'day, pinabilib mo'ko, peksman! Kung para sa'ken kase, si Nognog eh talagang hopeless na ang ILUSYON nitong mananalo bilang panggulo habang nakakulong. 'Tsaka pinalulutang din na makakaTANDEM niya umano si Junggoy na nakakulong din! Eh saan kaya nakabili ng UTAK 'tong sina Nognog at Junggoy para papaniwalain ang mga BOBOtantes sa buong Pilipinas sa pamamagitan ng kilong bigas, lata ng sardinas at 500 cash? Ang paKIMKIM na'to kase ang gamit ni Nognog for AIDE, o, ha!!!"

No comments:

Post a Comment