Monday, June 22, 2015

FED UP OF BEING A 'PUNCHING BAG', NOGNOG BOLTS CABINET

ANA: "Nangulimlim nang tuluyan ang AMBISYON ni Nognog na maging panggulo sana ng Phl a la US Veep Lyndon Johnson na kagyat naging US president after the assassination of POTUS John F Kennedy noong November 22, 1963, habang nangangampanya for reelection sa Dallas, Texas. Nasa isang convoy si pangulong Kennedy, sa isang topdown limo at katabi si FL Jackie, habang kasunod ang isa pang limo sakay si VP Johnson at waswit nito. Merong umalingawngaw na 3 putok at NAHAGIP sa leeg at ulo si Kennedy!"

LISA: "O, eh, ano naman ang kinalaman ng ambisyon ni Nognog sa asasinasyon noon ni POTUS Kennedy, ha? Ang layo naman ng comparison mo noh! 'Wag mong sabihin na merong nagpaplanong yayakagin SANA ng grupo ni Nognog si PNoy para kumaway din a la POTUS Kennedy sa mga lansangan habang sakay din ng magkasunod na convoy patungo sa isang pagtitipon, and then, PUNG, PUNG, PUNG, kunana! Imposible nang matupad 'yang SCRIPT na 'yan, kase, umalis na nga sa gabinete ni Nognog, o, 'di ba?"

CION: "Hoy! sobra naman kayong magpalutang ng HAKA-HAKA, noh! Porke ba bumulusok ang survey rating ni Nognog eh GUMUHO na rin, sa akala n'yo, ang sinusundang script sa direksiyon mismo ni Nognog? Kung sabagay, 'yun kasing asasinasyon ni JFK eh talagang makontrobersiya. Kase, hindi raw totoong si Lee Harvey Oswald, na tinigok din ni Jack Ruby, ang mag-isang tumigok ke JFK. So, until now eh me HAKA-HAKAng si VP Lyndon Johnson DAW ang tunay na mastermind sa JFK assasination?"

No comments:

Post a Comment