Thursday, June 23, 2016

SERENO ON DIGONG'S TRAFFIC CRISIS PLAN: DON'T FORGET RULE OF LAW

ANA: "Hindi ako sigurado kung tumalab sa makapal na pagmumukha ni Digong ang LEKTYUR sa kanya ni CJ Ma. Lourdes Sereno: President-elect Rodrigo Duterte must not forget due process of law. Eh, ano ba kase ang due process of law? Batay sa google: It is the fair treatment through the normal judicial system especially as a citizen's entitlement. Sa madaling-sabi, itong DUE PROCESS na'to ang mismong nilalabag ni Digong dahil sa pagtigok, sa halip na idimanda, ang mga drug pushers!"

LISA: "Uh-unga 'ga. Pa'no kase, umiiwas na mabisto ng publiko na ang mga pulis eh kasabwat mismo ng mga tulak sa droga porke meron silang tinatanggap na lingguhang PAYOLA. So, bago pa 'kumanta' ang mga tulak-sa-damo na kapartner nila ang pulis kaya lumaganap ang adik sa Phl, eh sinasalbeyds na laang sila. Pero merong sumukong mahigit 350 MILLENNIALS na adiks sa QC Police kahapon dahil sa takot na imasaker sila ng pulis. Lahat sila'y ibinoto umano si Digong! Hah?"
 
CION: "Si Digong eh isa ring abogado at alam niyang PANTAY-PANTAY ang powers ng 3 branches of gov't - Executive, Legislative at Judiciary, batay sa Phl Constitution na kinopya sa US Consti. Heto ang meaning ng DUE PROCESS clause ayon sa 5th Amendment ratified in 1791, which asserts that (no person shall be deprived of LIFE, LIBERTY, or PROPERTY, without DUE PROCESS of the law). Pero ang ibinaBATO ngayon ng Digong trolls eh, sakop pa ng PNoy Admin ang mga patayan?"  

Tuesday, June 14, 2016

ABUS: KILLING WAS FOR DIGONG

ANA: "Parang nirapok na bulilyo ang tumamang DAGOK sa grupo ni Digong porke EPEKTIB ang panghihiya ng Abu Sayyaf sa kanya sa Phl at sa buong mundo, partikular ang mga Canadians. The Abu Sayyaf beheaded Canadian hostage Robert Hall to EMBARASS incoming president Digong, ayon sa ASG spookman Abu Raami. Eh kase, hindi raw dineliber 'yung hinihinging ransom money ng ASG na P600 M before 3 PM deadline no'ng Lunes. Sino ba kasi ang hinuhuthutan, si Digong?"

LISA: "Hindi ah! Kaya bang huthutan ng ASG ang kapwa nila extortionist? Never! Ang panghihiya eh ginawa ng ASG vs Digong dahil sa pakulo nito no'ng nangangampanya pa lamang siya - 'If elected panggulo, gimme 'bout 3 to 6 months, I will get rid of corruption, drugs & criminality. If I fail, better leave the country or I will stepdown.' Ows? Sinigundahan pa'to ni incoming cheap PNP Bato, at hinamon din ng DUWELO 'yung druglord na nakakulong sa Munti na wala namang hawak na baril!"

CION: "Eh pulos drawing lang naman 'yang mga patutsada ng grupo ni Digong eh! Gusto nilang BALUKTUTIN ang Consti para isulong ang federalism at tanggalin ang posisyon ng Vice President! Ikinakampanya ni Digong sa minoryang 16 M millennials na bomoto sa kanya para mailibing ang diktador na si FM na tatay ni BBM sa Libingan ng mga Bayani! Pagtanaw ng utang-na-loob ni Digong sa mga Marcos? HINDI! Itaga mo 'yan sa Bato, Digong! People Power lang ang katapat mo!"

Monday, June 13, 2016

EMERGENCY POWER?

This is a nonsense advocy of Management Association of the Philippines or MAP giving Duterte emergency power to resolve traffic in Metro Manila is nothing but a sign of anarchy and chaos. Who is this MAP? Never heard of this organization ever since and only surfaced when Duterte was elected president. Emergency power of removing all vehicles in Metro Manila and restraining Metro Manila commuters from travelling or order policemen to kill all violating his directives? What a pathetic insinuation from MAP. This MAP existence should be investigated and if the purpose is anarchy then should be shot by Duterte!

Ang hinihinging emergency power para ke Digong ng MAP eh ibaba ni Digong ang MARTIAL LAW para maayos ang trapiko sa MM, 'di ba abogago Panyelo???
Anong opis ba ang MAP? Saang matadero nakabili ng utak ang manager nito? Magkano ang kilo, isang bilyong piso? Galing sa BPI account ni Digong? Nakanang-ina, hhuuu!!!

Friday, June 10, 2016

14 ADJECTIVES PARA KAY DIGONG ISINALIN SA PILIPINO

Sa blog ni Buddy Gomez eh gumamit siya ng 14 adjectives (pang-uri) o klase ng pag-uugali at katauhan ni Digong. Isinalin namin ito sa Pilipino para mas lalong mapalawak pa ang ating bokabularyo at madaling maintindihan ng ating mga kaTSM.
vulgar - mahalay
arrogant - hambog
conceited - mapagmataas
shameless - makapal ang mukha
tactless - walang pakisama
insensitive - walang pakiramdam
intolerant - ayaw magparaya
offensive - mapagmura
obnoxious - kasuklam-suklam
opinionated - palagi siyang tama
brash - walang pitagan
uncouth - magaspang ang pag-uugali
raving - hibang
ranting - palasigaw
Heto ang unang sentence ng OPINION ni Buddy Gomez posted on June 8, 2016 at 11:53 PM
"Never before has an elected President wasted so much 

Monday, June 6, 2016

KILLING SEASON?

ANA: "Hay, nakakataCUTE na talaga ang nangyayari ngayong patayan noh! Last week, mula Huebes hanggang Sabado, eh 5 katao na ang SINALBEDS ng riding-in-tandem, 2 sa Negros Occ at 2 sa Iloilo 'tsaka isa pa sa Negros Oriental. Lahat ng 5 tinigok eh suspects daw in the trade in illegal drugs, o, hah! Ang mga patayan bang itoy nagsisilbing PRELUDE (panimula) na lilipulin ni meyor Digong ang kriminalidad at bawal na droga sa Phl within 3 to 6 months pag-upo niyang pangulo sa June 30?"

LISA: "Me tama ka r'yan 'ga, kase, nagbanta na si president-in-waiting Digong during his victory party in Davao over the weekend when he declared that citizens with guns are hereby FREE TO ARREST AND SHOOT drug dealers and other criminals! Bibigyan pa raw ni Digong ng medal, bukod pa sa P5-M, ang sibilyan na makapapatay ng isang drug lord. So, ang pinahihiwatig dito ni meyor Digong sa Pinoy eh siya mismo ang BATAS! Wala nang Judiciary at Legislative branches?"

CION: "Hindi ako naniniwala na mapapasunod ni Digong ang 105 milyong bilang ng populasyong Pilipino, peksman! Marami kase ngayon ang nagsisisi sa 16 milyon kung bakit ibinoto nila si Digong porke ramdam nilang pati Bill of Rights is itself assasinated by Digong! Gusto kasi nitong magkagulo para me dahilan siyang magdeklara ng Revolutionary Gov't upang baguhin ang Phl Constitution para gagawing Federal at Parliamentary ang porma ng gov't? Eh, People Power ang katapat mo Digong!"

Thursday, June 2, 2016

DUTETENG - "DON'T FUCK WITH ME"

ANA: "Ano? 'Wag ka raw makipagBARUKBUKAN sa kanya? O, Money Pakyu, 'yan ang napala mo! Itinatwa mo si Nognog ng matalo sa idol mong si Digong, porke mula umpisa'y inamin mong si Digong ang manok mo, o, 'di ba? SALAWAHAN ka, kagaya ka ni Digong na BASTOS, peksman! Kung nilalait-lait ni Digong lahat ng mga kalaban sa politika, partikular ang mga taga-LP at maging ambassadors ng ibang bansa, ngayo'y TRI-MEDIA naman ang binastos niya. O, 'di ba Ted Failon?"

LISA: "Uh-unga 'ga. Pero ba't wala akong marinig na pagkondena mula sa ABS-CBN para naman ipagtanggol ke Digong ang ac/dc daw na reporter ng GMA-7, kasama ang lahat ng mga taga media! ATTACK-COLLECT/DEFENSE-COLLECT daw talaga ang kanilang propesyon, Digong said, at kliyente nila'y politikong 'gaya ni Digong, taga-Customs, mga TONGgresmen, pulis at maging sa mga husgado! Dumipensa ang media sa atake ni Digong. Eh sina Karen at Noli, what now my luv?"

CION: "Me analisasyon ang ilang bloggers na ang tinatamaan ng mga DYOK-ONLI ni Digong eh 'yung 16-M BOBOtantes na bomoto sa kanya. Hindi pa man nakakaupo bilang panggulo ng Phl eh sinampolan na ng pulis at mga bgy bilang pagpapakitang-gilas (pagsiSIPSIP?) nila ke Digong, ni-raid at hinakot sa presinto ang mga nag-iinuman sa mga lansangan, kinarpiyu (curfew) ang mga kabataan sa kompyuteran. Sa susunod na raid, isasama at pagmumultahin ang mga magulang. PAGBABAGO!"