ANA: "Hindi ako sigurado kung tumalab sa makapal na pagmumukha ni Digong ang LEKTYUR sa kanya ni CJ Ma. Lourdes Sereno: President-elect Rodrigo Duterte must not forget due process of law. Eh, ano ba kase ang due process of law? Batay sa google: It is the fair treatment through the normal judicial system especially as a citizen's entitlement. Sa madaling-sabi, itong DUE PROCESS na'to ang mismong nilalabag ni Digong dahil sa pagtigok, sa halip na idimanda, ang mga drug pushers!"
LISA: "Uh-unga 'ga. Pa'no kase, umiiwas na mabisto ng publiko na ang mga pulis eh kasabwat mismo ng mga tulak sa droga porke meron silang tinatanggap na lingguhang PAYOLA. So, bago pa 'kumanta' ang mga tulak-sa-damo na kapartner nila ang pulis kaya lumaganap ang adik sa Phl, eh sinasalbeyds na laang sila. Pero merong sumukong mahigit 350 MILLENNIALS na adiks sa QC Police kahapon dahil sa takot na imasaker sila ng pulis. Lahat sila'y ibinoto umano si Digong! Hah?"
CION: "Si Digong eh isa ring abogado at alam niyang PANTAY-PANTAY ang powers ng 3 branches of gov't - Executive, Legislative at Judiciary, batay sa Phl Constitution na kinopya sa US Consti. Heto ang meaning ng DUE PROCESS clause ayon sa 5th Amendment ratified in 1791, which asserts that (no person shall be deprived of LIFE, LIBERTY, or PROPERTY, without DUE PROCESS of the law). Pero ang ibinaBATO ngayon ng Digong trolls eh, sakop pa ng PNoy Admin ang mga patayan?"
No comments:
Post a Comment