Tuesday, April 7, 2020

DIGONG KONTRA DIGONG

ANA: "Ang basehan pala ng NBI kung bakit pinadalhan ng subpoena ang kliyente ni Atty Chel Diokno eh dahil nag-post daw kasi ito sa FB that goes something like - WE HAVE MONEY FOR A P2-B JET BUT NOT HEALTHCARE - eh anong klaseng kaso ba kasi ang NAGSASABI NG TOTOO, criminal case? civil case? at magkano naman ang piyansang ipapataw para 'wag itong ikulong - KALAHATING MILYONG PISO?"

LISA: "Oy 'day, hinihingal ka na naman, 'yang puso mo, relak ka lang! Dang'kasi eh basta lang nag-announce si Digong noong March 21 - 'WAG KAYONG MATAKOT, MAY PERA AKO' - re kayang-kaya raw tutustusan ng kanyang gobyerno ang lahat ng kailangan para labanan ang COVID-19, pero KONTRA naman sa ika-2 pahayag nito noong April 6 - HINDI KO ALAM SAAN AKO KUKUHA NG PERA, ANONG IPAGBIBILI KUNG MERON IPAGBIBILI' - kasi nga'y totoong lumaganap na ang COVID-19 na si Digong mismo ang IMPORTER mula China, see?"

CION: "Tiyak namang hindi tatanggihan ni VP Leni si Digong, ALANG-ALANG SA KAPAKANAN NG TAUMBAYAN, eh dapat pormal na hilingin ni Digong sa VP upang si VP Leni na mismo (na walang power, walang budget, walang kakamping Konggreso) ang MANANAWAGAN ng TULONG mula dito at abroad, at tiyak na BABAHAIN ng donasyon ang Pilipinas para sa pagsugpo ng SALOT na mismong si Digong din ang KAPURAL kung bakit nakapasok ang VIRUS sa bansa mula China, o 'di ba???"


#ProtectVico #ProtectVPLeni #ProtectChelDiokno #ProtectThePeople #OUSTDUTERTE



No comments:

Post a Comment