Sunday, April 5, 2020

IF YOU CAN'T LICK THEM, JOIN THEM - ADAGE


ANA: “Naglalaro sa aking guni-guni na SINADYA lang talaga na gawin ‘sacrificial lamb’ ni Digong si Emmanuelito LUNAtic para siya SIBAKIN as PACC commissioner porke hiniling ni LUNAtic sa NBI (sa utos din ni Digong?) na imbestigahan ng NBI si VP Leni kung bakit umano nakikipag-KOMPITENSIYA ang VP sa diktaduryang Digong sa pagbibigay ayuda ng VP sa mga frontliners para sugpuin ang COVID-19, o hah!”

LISA: “Gano'n? Eh pa’no nga’y ramdam na ni Digong ang REPERCUSSIONS ng bara-bara nitong magkakasunod na Pambansang April FOOL’S Address (pagbabanta nitong ‘shoot-to-kill’ sa mga nagugutom na taumbayan at pangi-insulto sa kanyang mga kritiko at media) dahil sa hirap ng buhay sanhi ng epekto sa kanila ng TOTAL LOCKDOWN na pinaganda pa ang taguri, Enhanced Community Quarantine (ECQ), kung kaya’t sumapit na sa SUKDULAN ang kanilang ngitngit laban ke Digong, peksman.”

CION: “Well, well, nagpaparamdam si Digong na ‘KUMAKAMPI KUNWARI’ siya ke VP Leni dahil tunay ngang NAYANIG siya’t NANGHILAKBOT sa KATOTOHANANG mas INAASAHAN pa ng taumbayan ang tulong galing sa mga PRIVATE DONORS na ipinagkatiwala at pinaraan sa OVP kesa gobyerno, upang si VP Leni mismo ang mangangasiwa sa pamimigay ng PPEs at iba pang medical equipments, mga tutuluyang dormitoryo at free shuttle services patungong mga ospital para sa mga FRONTLINERS (health workers), bilang AYUDA at proteksiyon sa paglaban nila sa COVID-19 na si Digong din ang KAPURAL na nagdala rito sa bansa ng salot na virus mula China – WALANG DUDA!!!”  

#ProtectVico #ProtectVPLeni #ProtectThePeople #OUSTDUTERTE



No comments:

Post a Comment