Monday, May 4, 2020

WWIII TENSION: CHINA FACES A BIG PROBLEM IN THE SOUTH CHINA SEA

ANA: "Naku 'day, pa'no na ngayon kung umabot sa kalupaan ng Pilipinas ang namimintong SHOOTING WAR sa South China Sea ng USofA with Allied Forces vs China armed forces, samantalang hindi pa nasusugpo ang pananalanta sa atin ng salot na COVID-19 na sadyang ipinakalat KUNO ng China sa buong mundo, ha???"

LISA: "Iyan ngang isyu ng COVID-19 ngayon ang gustong gamiting dahilan ng Digong admin para makapagdeklara ng martial law sa Pilipinas. Nagpalipad-hangin kasi kahapon ng PEKENG NEWS (unconstitutional) si ex-spookinang panyelo ni Digong at sinabing - (covid-19 is 'INVASION' a ground for martial law!) - o kitam?"

CION: "Eh kasi nga, kapag magdedeklara ng ML sa Pilipinas si Digong, siempre tuwang-tuwa ang AFP/PNP porke aakalain nilang mas magiging 'makapangyarihan' na sila kesa mga sibilyan. Pero ang hindi nakikita ng AFP/PNP eh gagamitin lang na KANLUNGAN o KALASAG ng mga sundalong intsik ang Pilipinas bilang KUTSABAHANG Xi Jin Ping at Digong, upang hindi bombahin ng mga 'Markano ang mga 'tumatakbong' sundalong tsekwa porke madadamay ang Pilipino na VIRTUAL NA KAPANALIG NG USofA, o hah!!!"






No comments:

Post a Comment