Thursday, August 16, 2012

AN OPEN-LETTER TO PNOY RE: TITLING SYNDICATE AT LRA, BIR, RTC, Etc.

H.E. BENIGNO S. AQUINO III
MALACANANG PALACE
MANILA, PHL

Mahal na Pangulo:

Ako po ay si Laoag Paras y Albano, 64 taong-gulang, may asawa at nakatira sa B4, L14 Sapphire St., Palmera Hills II E Subd., Taytay, Rizal.

Noong 2000 ay nagsadya ako HUDCC upang mag-apply ng housing loan para sa nauna ko nang inokupahang unit na bakante, ito nga po ang corner lot na tinitirhan namin sa kasalukuyan ng aking pamilya na merong sukat na 65 sq.m. at address sa itaas.

Magulo noong panahong iyon dahil kasalukuyang dinidinig sa Senado ang impeachment case laban kay Erap. Ako'y binilinan na susulatan na lamang daw ng HUDCC para huwag na akong mag-follow up ng personal sa kanila ng aking application for a housing loan.

Habang hinihintay ko ang status ng aking loan application mula sa HUDCC ay nagpakabit na ako ng linya ng kuryente, tubig at telepono. Ako kasi ang nagsilbing unang residente sa unit na aking inokupahan dahil ang orihinal na applicant ay fictitious.

Noong March 23, 2001 ay dumating ang sagot ng HUDCC sa aking huling letter-application thru its secretary-general, Undersecretary Armando A. de Castro. Si Mike Defensor na ang HUDCC Chairman na bagong-upo noon vice Leny de Jesus, to wit;

"Dear Mr. Paras:

This refers to your letter dated 19 March 2001 requesting assistance with regard to your desire to avail of a Pag-IBIG Housing Loan for a housing unit in Palmera II Taytay.

We wish to inform you that we have referred your request to the HDMF. You may wish to follow it up directly at the following address:

MR. MANUEL CRISOSTOMO
President
Home Development Mutual Fund
8th Floor, Atrium Bldg.
Makati Ave., Makati City 
Tel. Nos.: 816-4404; 816-4406

Thank you.

                                                                                    Very truly yours,
                                                                                    (Sgd) USEC. ARMANDO A. DE CASTRO
                                                                                     Secretary General, HUDCC"

Personal akong nagtungo sa HDMF dala ang kopya ng sulat ni Usec. De Castro. Ngunit sinabi nilang nananatiling suspendido umano ang application and payment of housing loans na unang ipinag-utos ng dating  HUDCC chairperson, Leny de Jesus.

Gayunman, mula noon hanggang ngayon ay kada taon akong nagbabayad ng amilyar ng lote at bahay. Nagtanim din ako ng carabao mango trees, caimito, guava, atis na pawang namumunga na.

Ang nais ko sanang maliwanagan, Mahal na PNoy, ay hindi pa ba ako kualipikadong mag-avail ng Title by Prescription para sa naturang property? Labing-dalawang taon na pong naninirahan doon ang pamilya ko.

Batay sa regulation for titling na aking ni-research sa internet, ay meron itong four (4) compartmental steps. Una, produce the Title number and Name of developer/previous owner of Title to obtain a Certified True Copy of Title from the Register of Deeds.

Ikalawa, pay with the BIR the Capital Gains Tax. BIR will issue Certificate Authorizing Registration (CAR) and Tax Clearance; Ikatlo, pay Transfer Fee with the Assesor's Office, which, likewise, issues a Tax Clearance; at ikaapat, submit all documents derived from BIR and Assessor's Office to the Register of Deeds for the issuance of a new Transfer Certificate of Title (TCT) in the name of the new owner.

Base sa 1st step ay ni-released sa akin ng Register of Deeds Binangonan, under OR # 1003558529 in the amount of P429.94 dated August 13, 2012 ang certified true copy of Transfer Certificate of Title No. 599677 in the name of Carlos Mangona, Jr., married to Cheryl Ann Mangona.

Sa page 5 ng TCT (Memorandum of Encumbrances) ay merong annotation:
"Entry No. 2012000398                              Date: January 13, 2012  2:27 pm

CERTIFICATE OF SALE: ISSUED BY THE SHERIFF OF REGIONAL TRIAL COURT, ANTIPOLO CITY, IN FAVOR OF BALIKATAN PROPERTY HOLDINGS, INC., AS THE HIGHEST BIDDER, FOR THE SUM OF PHP 629,129.36 SUBJECT TO REDEMPTION WITHIN A PERIOD OF ONE (1) YEAR FROM AND AFTER THE DATE OF REGISTRATION HEREOF, IN ACCORDANCE WITH THE CERTIFICATE OF SALE DATED JULY 22, 2010."

Nagtungo ako sa BIR Taytay noong August 16, 2012 para sa step number 2, at ni-refer ako sa window number 9. Sa halip na ibigay sa akin ang kuwenta ng babayaran sa capital gains tax, batay sa regulasyon, ay hinahanap sa akin ng ayaw magpakilalang tao na kausap ko sa window 9 ang Deed of Sale between me and Carlos Mangona, Jr.

Lumipat ako sa opisina ng Assessor Taytay at aking nakausap ang isang nagpakilalang Aida Mauricio. Kinumpirma niyang ang lagayan para sa bagong TCT sa BIR ay hindi bababa sa P50,000 kada transaksiyon, mapuwera pa sa Assessor's Office na nanghihingi rin ng P20,000 para walang hassle sa pag-issue nila ng clearances.

FOR YOUR INFO, PNOY, SIR !!!

Very truly yours,

LAOAG A. PARAS
aka: Leo Paras/AnaLisaCion        


No comments:

Post a Comment