Sunday, August 19, 2012

HEAVEN HELP THE CORRUPT

ANA: "Oy, 'lam mo? Malawak ang racket sa TITLING sa Taytay at Cainta area na kinasasangkutan ng RTC, LRA, BIR at Assessor's Office, racket na kinopya ni Delfin Lee na nagpaBUNDAT sa kanya ng mahigit P7 bilyon! Pa'no huhulihin ng Gov't ang mga racketeers na ito na pawang taga-gobyerno rin?"

LISA: "Si Sir Leo kasi eh biktima rin ng titling racket na ito sa mismong tinitirhan nilang subdivision ng kanyang pamilya sa Taytay, Rizal, hayy - grabe. Hindi nasusunod ang reglamento sa titling, 'gaya ng una, produce the title number and name of previous owner to obtain a certified true copy of title from the Register of Deeds. 2nd step, pay with the BIR the capital gains tax. BIR will issue certificate authorizing registration (CAR) and tax clearance. 3rd step, magbayad ng transfer fee sa Assessor's Office para maisyuhan ka rin nila ng tax clearance. Ang 4th step, dalhin lahat ang mga dokumentong ito sa Register of Deeds para sa issuance ng bagong TCT sa new owner."

CION: "Ang BIR ang kapural sa racket na ito porke hahanapin nila ang DEED OF SALE between the FICTITIOUS original owner in record and the present occupant! Hindi pa kaya kualipikado si Sir Leo na maka-avail ng Title by Prescription? Kasi, 12 years nang nakatira ang pamilya niya sa subdivision at bayad lahat ang amilyar at namumunga na rin ang puno ng manggang de-kalabaw, caimito, bayabas at atis na itinanim nito mula ng tumira sila roon."




 

No comments:

Post a Comment