Friday, August 24, 2012

FIRST WOMAN CHIEF JUSTICE

ANA: "Nu'ng August 15 eh tinanong kita - (Ang ibig sabihin ba ng tumatanda nang paurong eh bumabata ang edad nu'ng matatandang SC Justices na kasama sa shortlist?)"

LISA: "At ang sagot ko naman sa tanong mo - (Ay, wala kang insight, 'ga. 'Yung argumento kasi ni Sr Justice Carpio eh magiging demoralized daw ang Judiciary kapag outsider ang pipiliing CJ ni PNoy. Pero sabi naman ni CDQ eh self-serving ang argumantong ito porke gustong lumaktaw ahead of the line ni Carpio.)"

CION: "Natupad ang sinabi ko ng 101% - (Eh di, huwag nang magpaatras ng edad. Dapat piliin ni PNoy ang insider na tunay na bata, si Asso Justice Ma. Lourdes Sereno, o, 'di ba?) - Tumpak-na-tumpak ako!!!" 

No comments:

Post a Comment