Wednesday, May 3, 2017

ANG EPEKTO NG SUHOL NI BBM, PUMALPAK

Dahil sa suhol eh dumagsa ang maraming ambulance galing Cavite province no'ng Lunes ng gabi (May 1, 2017) sakay ang mga amuyong (pasyente?) ni BBM na pawang nakauniporme ng pulang t-shirts, nagsiparada sa kahabaan ng Padre Faura kung saan naroroon ang SC building at doon nag-overnight.
Maliwanag na ang intensiyon eh okupahan ng mga amuyong ni BBM ang gate (old building) ng SC upang walang malugaran ang overflow ng supporters ni VP Leni na nakatakdang magbayad ng cash bond ang VP for counter protest vs BBM at 8 AM on May 2, 2017 (Tuesday).
Pero pinayagan ng security force ng SC ang mga VP Leni supporters na pawang naka-suot ng itim na magsiksikan sa driveway sa gate ng SC new building, kanto ng Taft at Padre Faura, kung saa'y doon magbibigay ng pahayag si VP Leni after paying her P8 M cash bond.
Hindi rin pumayag si PBA Party List Rep Nograles na gamitin siya ng mga maka-BBM para siyang mag-ENDORSE sa impeachment complaint na ihahain sana kahapon din (May 2) sa HoR vs VP Leni. KULANG SA SUHOL KAYA PUMALPAK???

No comments:

Post a Comment