Wednesday, May 3, 2017

VP COUNTER-PROTEST VS BBM

Saktong alas-8 ng umaga, May 2, 2017, ng dumating si Atty Romi Makalintal sa Supreme Court bilang abogado ni VP Leni para sa paglalagak ng cash bond ng VP for counter protest vs Bongbong Marcos.
Pasado 9 AM after makapaglagak ng cash bond eh bumaba na si VP Leni, kaagapay si Atty Mak, sa gate ng new building ng SC kung saa'y nagkumpol-kumpol doon ang mga supporters nito na pawang nakasuot ng black na humalo sa mga nakaabang na photo journalists.
Pinatutsadahan ni VP Leni si BBM, na an'daming amuyong, dumating sa Padre Faura tapat ng SC mula pa kagabi galing Cavite. Ano kayang motibo nila, para manggulo? - "Yung P8 M hirap na hirap tayo ibigay pero 'yung P36 M (cash bond ni BBM) isang iglap nandyan na agad," - sabi ng VP.
VP Leni dedicated her fight against the Marcoses to martial law victims who were also present at the SC to support her.

No comments:

Post a Comment