Thursday, May 4, 2017

'NA ANO'

"NA ANO"
Umani ng batikos mula sa netizens ang bagong 'coined word' na sinambit ni Sen Vicente C Sotto III na wala pa sa dictionary, ang tagalog word na 'NA ANO' vs Sec Judy Taguiwalo.
No'ng panahon ni Socrates eh nagsabi siya: "Once made equal to man, the woman becomes his master."
Pero sa ating panahon ngayon eh 'di maikakaila na meron pa rin MACHISMO (strong or exagerated masculine pride), partikular ang mga lalaking Pinoy, 'di ba, cheap PNP Bato?
'Gaya nga ng pangi-INSULTO kuno ni TitoSen vs Sec Taguiwalo sa kumpirmasyon ng huli sa Commission on Appointments (CA) no'ng Wednesday, eh nagka-anak daw ito dahil NA ANO (nabarukbok) kahit walang asawa!
Bilang dating konsehal eh isang buong termino kaming magkasama sa Quezon City Council ni TitoSen as presiding officer (QC Vice Mayor) at kilala namin siya ni ex-QC Coun, now Sen Kiko Pangilinan, ang UGALI ni TitoSen na talagang MAPAGBIRO.
So, TitoSen did not mean to humiliate Sec Taguiwalo but he in fact trying to make a JOKE, kase, alam naman ng lahat na si TitoSen eh isang COMEDIAN and he cannot help making jokes.
It is only fair to point out that TitoSen is known for making quips in other situation, kahit do'n sa loob ng session hall presiding over a session porke ugali na nga 'yon ni TitoSen, o, 'di ba KikoSen?
Sige, kahit itanong mo pa ke ma'am Sharon.

No comments:

Post a Comment