Thursday, February 21, 2019

EDSA PEOPLE POWER 33rd ANNIVERSARY, FEBRUARY 22 - 25, 2019


ANA: "Naku 'day, talagang lantaran na ang Simbahang Katolika para humikayat ng 'WARM BODIES' a la Traslacion ng Itim na Nasareno, na magtungo at 'MAKIBAKA' ang madlang-pipol, partikular ang mga PAROKYANO ng Catholic Church, sa ika-33 anibersaryo ng PEOPLE POWER sa Saturday, February 23, 2019 do'n sa Edsa People Power Monument (PPM) vs Digong Government."

LISA: "Ay uh-unga, me tama ka r'yan Ana. Narinig mo ba 'yung 'pagtanggi' ng Malakanyang spookman Panyelo na - 'hindi makadadalo si panggulong Digong' (walang binanggit na dahilan) - eh kasi, nag-iingat siempre na 'wag siyang MABINAT baka magkaro'n ng REJECTION ang kanyang bagong transplant na kidney dahil t'yak na ikamamatay ni Digong 'yon, noh! Hay, AN'TAGAL,TAGAL,tagal naman!!!"

CION: "Hus, hindi binat ang tunay na dahilan ni Digong kung bakit hindi siya pupunta sa naturang okasyon dahil hindi naman siya kelanman dumadalo roon kahit kelan, noh! Takot siya na baka DAMBAHIN ng madlang-pipol na DARAGSA si Digong, partikular ang mga Devotees ng Itim na Nasareno, na matindi ang NGITNGIT sa kanya dahil sa malimit nitong pang-uuyam sa DIYOS."

No comments:

Post a Comment