Saturday, February 9, 2019

WORKSHOP PLANNING NG OTSO DIRETSO VOLUNTEERS NG MAR ROXAS CAMP

ANA, LISA, CION
Ni: Ole Sapra
Feb 10, 2019

ANA: "Asus, dagsa uli ang mga dumalo kahapon na VOLUNTEERS sa Project Makinig ng OTSO DIRETSO ng MATH GRAD (Macalintal, Aquino, Tanada, Hilbay, Gutoc, Roxas, Alejano, Diokno) para sa WORKSHOP PLANNING sa Balay, Araneta Center, Cubao, QC bilang paghahanda ng Mar Roxas camp sa opening of campaign for senatorial candidates sa Feb 12 (Martes) hanggang May 11, 2019 (91 days) batay sa Comelec rule, o hah."

LISA: "Uh-unga 'day. Kelangan kasing planuhing maige sa isinagawang workshop ang STRATEGY ng pangangampanya upang MANGHIKAYAT (persuade) ng mga botante, partikular sa mga millennials at senior citizens na boboto pabor sa OTSO DIRETSO ng MATH GRAD para OK (Oposisyon Koalisyon) ang Pilipino at muling paigtingin sa SENADO ang DEMOCRACY na pilit KINIKITIL ni Digong para isulong nito ang ML - NO WAY!"

CION: "Me tama ka r'yan Lisa baby. Eh kasi lubhang apektado ang Pilipinas sa mga isyu ngayon ng fake news ng Digong/BBM trolls na lumalabas sa social media so kelangang i-depensa ito ng mga volunteers sa pamamagitan ng pag-POSTING nila sa FB ng KATOTOHANAN LAMANG, 'gaya ng si Mar Roxas ang author ng BPO sa Pilipinas at "AMA" ng 1.5 million Call Center Agents sa bansa, see?"

No comments:

Post a Comment