Sunday, February 10, 2019

HIMIG NG PAG-ASA


ANA, LISA, CION
Ni Ole Sapra
February 11, 2019



ANA: "HIMIG NG PAG-ASA ang nais ngayong ipaunawa sa bawat Pilipino ng MATH GRAD (Macalintal, Aquino, Tanada, Hilbay, Gutoc, Roxas, Alejano, Diokno) partikular sa paliwanag ng Mar Roxas camp Project Makinig noong Feb 9 (Saturday) sa Balay, Araneta Center, Cubao, QC sa mga nagsidalong VOLUNTEERS mula sa iba't-ibang panig ng bansa."

LISA: "Ay uh-unga 'day, kase eh inaasahan nang sa pasimula ng campaign period mula bukas (Feb 12) ng 91 days hanggang sumapit ang midterm election sa May 13, 2019  eh siguradong walang-tigil na PUPUTAKTIHIN na naman ng fake news ng mga trolls ni Digong/BBM sa SocMed ang MATH GRAD, pero kelangan kontrahin ito sa pamamagitan ng HIMIG NG PAG-ASA."

CION: "O yes, me tama ka r'yan Lisa babe, at ayon nga sa paliwanag ng Mar Roxas camp Project Makinig, ang pang-KONTRA sa mga fake news laban sa OTSO DIRETSO ng OK (Oposisyon Koalisyon) eh HIMIG NG PAG-ASA, ibig sabihin nito eh hindi dapat sagutin ang fake news kundi mag-post din ang mga volunteers sa SocMed ng FACTS (katotohanan), EVIDENCE (katibayan), at ANALOGY (pagkakatulad), 'gaya ng fake na picture ni Mar Roxas na umiinom DAW sa plato, remember?"

No comments:

Post a Comment