Tuesday, March 17, 2020

ENTIRE LUZON IS UNDER LOCKDOWN FROM MARCH 17 TO APRIL12 PRELUDE TO MARTIAL LAW?

ANA: "Sa tingin ko, ang anunsiyong under LOCKDOWN ang buong Luzon simula kahapon (March 17 - April 12) eh planong GUGUTUMIN MUNA talaga ni Digong ang taumbayan upang mag-collapse ang peace and order at mag-trigger ito ng malaganap na nakawan at kriminalidad sa buong bansa at gagamitin itong dahilan ng Digong Admin bilang PANIMULA (prelude) ng MARTIAL LAW???"

LISA: "Ay uh-unga 'day, kasi AMBILIS ding lumaganap ang mga namamatay sanhi ng COVID-19 porke merong kumpirmadong 2 new COVID-19 deaths kahapon, bringing the total number of fatalities in the country to 14. Pero lalo pang GINAGATUNGAN ni Digong ang pagkalito at pagkabahala ng taong-bayan na 'HUWAG LALABAS NG KANILANG BAHAY' kaya't naglagay ng AFP/PNP checkpoints sa bawat boundary ng bayan-bayan sa buong Luzon, o hah!!!"

CION: "Ay siyang tunay! Pero in fairness eh bilib ako sa 'kahandaan' ngayon ng mga ospital na harapin para SUPILIN ang problema sa COVID-19 ayon sa 'scientific way' at hindi kagaya ng ginagawang checkpoints sa utos ni Digong na tila baga sadyang hinihintay ni Digong na MAPUNO-ANG-SALOP ng buong mamamayan na 'sadya yatang' ikinukulong at ginugutom sanhi ng LOCKDOWN, para sila'y lumabas ng bahay upang maghanap ng makakain, ligal o iligal man na paraan, para lang mabuhay, eh tiyak gulo na, AFP/PNP vs taumbayan para merong dahilan na magdeklara ng ML???"


No comments:

Post a Comment