"The bank secrecy laws in the Phl are among the strictest in the world." - Ex US Ambassador Francis Ricciardone.
Ito 'yung R.A. 6426 (Foreign Currency Deposit Act) na ginamit ng Defense panel vs. impeachment ni CJ Corona sa Senate sitting as impeachment court.
Ang batas ding ito ang isinangkalang depensa sa criminal court noon ni Maj. Gen. Carlos Garcia sa kasong plunder na isinampa laban sa kanya.
Hindi na dapat magtaka ang Madlang Osyosero't Balayag (MOB) kung bakit patuloy ang pagdami ng foreigner dito sa Phl na sangkot sa smuggling, drug pushing, carnapping, etc., porke protektado ng R.A. 6426 ang kanilang bank deposits in foreign currencies.
Ang dolyar ng bawat utak ng mga sindikato sa Phl banks ay nagsisilbing pangTAPAL nila sa mga authorities na huhuli sa kanila.
Dapat nang amyendahan ng Phl Legislative branch ang R.A. 6426 para naman hindi magmistulang paraiso ng mga magnanakaw ala-GMA, Abalos at Corona ang Pilipinas, 'di ba?
No comments:
Post a Comment