Tuesday, February 14, 2012

TRO, absurdity o katawa-tawa - Sereno

Absurdity o katawa-tawa, ayon kay Supreme Court Justice Ma. Lourdes Sereno, ang order (TRO) ng Supreme Court sa Senate bilang impeachment court (IC) na itigil nito ang pagbubukas ng dollar account ni Chief Justice Renato Corona.

Ang pagsunod umano ng IC sa TRO eh badya para dumami ang "unscrupulous" public officers para i-convert ang kanilang peso deposits sa dollar upang takasan ang criminal liability.

Naging talamak noon ang "money laundering" sa mga Swiss Bank ngunit dinaig na ngayon ito ng Pilipinas sa kasalukuyan.

Ito marahil ang dahilan kung bakit hindi maampat ng mga awtoridad ang problema sa droga sa bansang ito porke walang makabagbukas ng kanilang foreign currencies na nakadeposito sa Phl banks.

Ang limpak-limpak na kayamanan ng mga smuggler, drug pusher at criminal syndicates eh nagsisilbing kapangyarihan ng mga ito upang "bayaran" ang kanilang "krimen" sa authorities para magpatuloy ang kanilang illigal na negosyo.

Sino pa ang aasahan ng Pinoy kung pati Senado eh kayang pilipitin ng isang money launderer na kagaya ng isang chief justice?



No comments:

Post a Comment