Bumigay din sa huling impeachment hearing sa Senate si PSBank branch manager Tiongson na "faithful copy" ng original ang questioned document.
Ang naturang photo copy ng FAKE document eh "binabaluktot" (meander) ang argumento ng prosec para palabasing tunay na kopya ito, ayon naman sa hirit ni Sen/Judge Joker Arroyo.
Talagang peke raw ang questioned document, ang sulsol pa ni PSBank Prez Pascual Garcia, porke maraming pagkakaiba raw ito (discrepancies) kumpara sa original.
Pero nilinaw ni JPE, sabay pukpok sa kanyang maso, na magkahawig (nuance) ang questioned document at hindi magkaiba.
Sumang-ayon naman kapwa sina Garcia at Tiongson para umiwas na baka sila'y ma-contempt ng IC dahil sa pagsisinungaling.
No comments:
Post a Comment