Kusang bumitaw ang Prosecution sa 2 charges sa ilalim ng Article 3 laban kay CJ Corona.
Bago pa man sila "maigapos at bugbugin" ni Sen/Judge Miriam Santiago porke wala raw sa ayos ang mga alegasyon sa 2 charges ng Article 3.
Ngunit ang flip flopping charge na una sa 3 charges eh mananatili, ayon pa kay Prosecutor Giordini Aggabao.
Nabigla ang buong Impeachment Court at ang Defense Panel sa tactic na ito ng Prosecution at walang nakapag-object ng kagyat ng mag-motion ang prosec para talakayin ang Article 7.
Dagliang isinalang si Justice Secretary Leila de Lima sa witness stand at si Prosec Raul Daza naman ang gumawa ng pagtatanong na "gumiba" ng "moog" ng depensa, obviously.
No comments:
Post a Comment