ANA: "Malinaw na ang Manila Water (MW) at Maynilad eh gumagawa ng panggugulang sa kanilang mga consumer, batay sa paliwanag ni Neal Cruz sa kanyang kolum ngayon, at umano'y aabot na sa halagang P6 billion ang nakukulimbat mula sa kanilang mga kliyente."
LISA: "Iba naman ang istilo ng MW sa mga homeowner ng Palmera 2 Taytay, porke ang patuloy na kinukolektang P438 kada buwan mula sa 980 homeowners ng subdivision eh pinaghahati-hatian ng TRIPARTITE; ang MW, ang subdivision developer na si Sen Manny Villar at ang pekeng Palmera II Homeowners' Assn Inc (PHAI) na pawang mga tauhan ni Taytay Mayor Joric Gacula."
CION: "May tama ka r'yan 'ga, kasi, ang paliwanag ng developer at local government eh RIGHT-OF-WAY fee umano ang P438 KOTONG monthly para sa ibinaong mainpipes ng MW sa gilid ng mga kalsada sa loob ng subdivision. Na-verify na ni Sir Leo na walang rehistro sa HLURB, sa BIR at Mayor's Permit ang pekeng PHAI na siyang gumagawa ng ILLEGAL EXACTION !!!"
No comments:
Post a Comment