Wednesday, July 25, 2012

PALUSOT

ANA: "Muling nauso ang salitang-kanto ni Cong Rudy Farinas ng Ilocos Norte na PALUSOT, dahilan kung bakit pinakawalan ng RTC si Ate Glo, ano sa tingin mo?"

LISA: "Ay, sinabi mo. Para kasing SCRIPT sa pelikula 'yan porke merong  taga-pagtanggol sa bida para bumatikos sa umaapi rito, gaya nina TANGA-pagtanggol Erap at Casino, bukod pa sa mismong mga tralala mob atbp ni Ate Glo, o, 'di ba?"

CION: "Nakana mo 'day. At bilang karagdagan, eh, kultura na sa Pinoy na kapag merong mga palusot, eh meron din KAAKIBAT itong (name-your-price) na pampalubag-loob para sa Judge upang tumalima ito, batay sa karanasan ni Ben Abalos, 'di ba?"    

No comments:

Post a Comment