Sunday, July 8, 2012

P438 MONTHLY RIGHT OF WAY FEE

ANA: "Uy, medyo natumbok ni Neal Cruz sa kanyang kolum yung raket ng water firms na pandurugas sa mga water consumers, partikular sa tinitirhang subdivision nina Sir Leo sa Palmera 2, Taytay, Rizal. Magkaroon pa kaya ng REFUND 'yon?"

LISA: "Oo nga, 'ga. Noong May 13, 2010 kasi at kapapanalo ni PNoy bilang new president eh nagsampa kaagad si Sir Leo, bilang corporate secretary ng Palmera II Homeowners' Assn., Inc. (PHAI), ng criminal case vs Manila Water, Prime Water at pekeng PHAI dahil sa kanilang continuing illegal collections. Pero dinismis ang kaso ni Pros Gen Claro Arellano ng DOJ nitong nakaraang Mayo lang."  

CION: "Ah, 'yan ang judicial parlance na PALUSOT o teknikalidad. Pero ang malinaw eh saksi umano si Sir Leo na merong brandnew cars ang mga fi(x)cals na humawak ng imbestigasyon at rekomendasyon para idismis ang naturang kaso. Hellooww, DOJ Sec Leila de Lima, madam plss, UMAASA po ang 980-member homeowners' association sa kanilang refund."

No comments:

Post a Comment