Tuesday, July 3, 2012

SEARCH FOR CJ

ANA: "Hoy, Inday! Kung pamimiliin ka, sino kina Rene Saguisag, Raul Pangalangan o Leila de Lima ang sa akala mo eh karapat-dapat na chief justice?"

LISA: "Ay, wala akong pipiliin sinoman sa kanila. Bagkus eh, ipananalangin kong silang tatlo na nga sana ang mapipiling rekomendado mula sa short list ng JBC na isusumite kay PNoy, o, 'di ba?"

CION: "Korek ka r'yan 'ga. Si PNoy lang kasi ang bukod-tanging persona, batay sa Saligang-Batas, upang pumili mula sa short list ng susunod na CJ ng walang impluwensiya na manggagaling kaninoman, maliwanag?"  

No comments:

Post a Comment