Wednesday, October 31, 2012

MARCOS, ENRILE NEVER HAD TO WEAR MASKS TO HORRIFY UNDAS

ANA: "Kapag panahon ng UNDAS 'di ba maraming nangangaluluwa sa mga kapit-bahay suot ang maskara bilang paggunita sa mga namatay?"

LISA: "Korek ka r'yan, 'day. Ang maskara eh puedeng isuot o alisin ng sinoman depende sa sitwasyong nakabubuti o nakasasama sa isang tao, halimbawa, si JPE."

CION: "Hindi lang naman ordinaryong maskara ang suot ni JPE porke nagkaroon ng natural DEROGATION (substantial change) ang buong pagmumukha nito re: martial law issue, o, 'di ba?"

SINDIKATO NG LAND GRABBING SA RIZAL REGISTER OF DEEDS

ANA: "Hangga't 'di nasusugpo ang gawain ng sindikatong BALIKATAN eh mananatiling palabigasan nila ang 52,000 homeowners nationwide."

LISA: "Ang Balikatan, Inc. eh merong proteksiyon a la Delfin Lee mula sa mga protection racketeers hoodlums-in-robe, mga taga-BIR, RD at Treasurers' and Assessors' Offices sa buong Phl!!!"

CION: "Mahal na PNoy, hangga't hindi tumitigil sa kanilang racket ang mga LIMATIK na sindikatong 'to eh mananatiling PALABIGASAN ang 52,000 homeowner na nasa ilalim ng HLURB sa buong bansa." 

Tuesday, October 30, 2012

HORROR STORY?

ANA: "Hindi ba sa halip na HORROR STORY, ang title dapat ng column ni CDQ eh Anarchy?"

LISA: "Bakit, ano ba kasi ang ibig sabihin ng word na ANARCHY, alam mo?"

CION: "The word ANARCHY means ABSENCE OF GOVERNMENT, or, puede rin tawagin itong Duterte government, o, 'di ba?" 

Monday, October 29, 2012

GALLIVANTING AROUND?

ANA: "Hayan, nagalit si JPE sa kanyang kapwa senadores porke sobra-sobra kung magbulakbol habang may session, o, 'di ba?"

LISA: "Sa pakiwari ko eh hindi galit, kundi, PA-EPAL lang sa tao ang patutsada ni JPE sa kanyang colleagues para mapansin na straight din kuno na kagaya niya ang anak na si Jack na kandidatong senador, hmmp!!"

CION: "Bakit 'di na lang lagyan sa apat na sulok ng Senate Session Hall ng mga CCTV para bistado ng publiko kung sino sa mga senadores ang bulakbulero, Mr. Senate President, Sir?"  

Sunday, October 28, 2012

WHEEL CHAIRS AND OTHER ROADRUNNERS

ANA: "Ang karera ng racing cars sa zigzag na bulubundukin eh puedeng humantong sa bangin o sementeryo, samantalang ang karera ng wheelchairs eh puedeng humantong sa hospital-arrest o sa bansang Spain, o, 'di ba?"

LISA: "Ows, talaga? So, anong category nababagay si Ate Glo na kumakarera ngayon para sa reelection bid nito sa Congress, ang final destination kaya niya eh sa Spain or detention cell?"

CION: "Ay naku, huwag nga kayong magbiro ng ganyan at baka meron na namang mapikon a la Atty Topak Yo na umano'y isang ABUgago ni Ate Glo?"




Saturday, October 27, 2012

SA KAALAMAN NG P-NOY, TITLING SYNDICATE SA RD-RIZAL, MALALA NA



SA KAALAMAN NG PANGULONG NOYNOY, TITLING SYNDICATE
SA RD-RIZAL, MALALA NA PO BATAY SA AKING KARANASAN
Ni: Laoag Albano Paras a.k.a. Leo Paras (AnaLisaCion)    Date: October 20, 2012

Noong September 5, 2012 ako’y nag-file ng Adverse Claim para sa bagong Titulo ng aking lupa na kinatitirikan ng aming bahay at tinitirhan ng aking pamilya mula pa noong taong 2000 sa Taytay, Rizal, sa Register of Deeds, Binangonan, Rizal.
Batay ito sa Section 70, Adverse Claim na isang TAX EXEMPT ayon sa PD No. 1529, at nagbayad ako noong araw ding yaon ng Assessment Form and Payment Order sa halagang Php 516.32 at nabigyan ng EPEB No : 2012008124 sa ilalim ng Official Receipt No. 1003560313 at pirmado ng cashier na si Irene B. Parvian.
Ngunit bago ako nabigyan at payagang makapagbayad ng Assessment Form and Payment Order ay nagkaroon muna kami ng mainit na argumento ni Atty. Hilarion Cerna Mogello, Jr, Deputy Register of Deeds, porke, sabi niya ay LIS PENDENS (under Court jurisdiction) umano ang aking adverse claim at hindi puedeng irehistro ito sa Register of Deeds.
Pero ipinaliwanag ko, batay sa intensiyon ng batas, the registration of an adverse claim is expressly recognized under Section 70. Where the notice of Adverse Claim is sufficient in law and drawn up in accordance with existing requirements , it becomes the MINISTERIAL DUTY  of the RD to register the instrument WITHOUT UNNECESSARY DELAY . Adverse claim not ipso jure cancelled after 30 days.
Batay pa sa aking research sa INTERNET, ang purpose ng Adverse Claim ay para LAGYAN ng annotation ang bagong titulo to apprise or make aware 3rd person(s) that there is a CONTROVERSY over the ownership of the land and to preserve and protect the right of the ADVERSE CLAIMANT during the pendency of the controversy
Kasi, annotated ang TCT No. 599677 na nasa pangalan ng FICTITIOUS na mag-asawang Carlos Mangona Jr at Cheryl Ann Mangona sa Memorandum of Encumbrances on page number 5 ng Titulo, ‘gaya ng sumusunod:
“Entry No. : 2012000398                                                    Date: January 13, 2012   2:27 pm
CERTIFICATE OF SALE  :  ISSUED BY THE SHERIFF OF REGIONAL TRIAL COURT, ANTIPOLO CITY, IN FAVOR OF BALIKATAN PROPERTY HOLDINGS, INC., AS THE HIGHEST BIDDER, FOR THE SUM OF PHP 629,129,36 SUBJECT TO REDEMPTION WITHIN A PERIOD OF ONE (1) YEAR FROM AND AFTER THE DATE OF REGISTRATION HEREOF, IN ACCORDANCE WITH THE CERTIFICATE OF SALE DATED JULY 22, 2010.
Federico M. Cas
Registrar of Deeds”
Ang BALIKATAN ay grupo umano ng mga landgrabber na kasalukuyang iniimbistigahan ng House of Representatives, ayon sa Internet, dahil daw sapilitang naniningil ng delinquency loans ng 52,000 homeowners nationwide at posible umanong may PROTEKSIYON, a la Delfin Lee, mula sa mga hoodlums-in-robe, mga taga-BIR, RD at Treasurer’s and Assessor’s Offices sa buong bansa !!!
Kumpleto ang bayad ko at walang utang sa amilyar ang aking inaangkin na propiedad at pawang namumunga na rin, makalipas ang labing-dalawang taon, ang mga puno ng mangga, kaimito, bayabas at atis na personal kong itinanim noong dumating kami at ariin ang lupa at bahay ng aking pamilya sa pamamagitan ng Adverse Possession.
Sa halip na magkaroon kami ng Title by Prescription mula sa RD, ay kung bakit NAISUBASTA ng Provincial Treasurer’s and Assessor’s Offices at pinanalo pa ng RD ang BALIKATAN, Inc. at kumpirmado rin ng RTC, samantalang tuloy-tuloy kaming nakatira ng buong pamilya ko sa naturang property sa loob ng 12-taon at bayad lahat ang property taxes sa Local Government at ang mga resibo ay pawang nasa aking pangalan, LAOAG A. PARAS.
BISTADO at talagang hindi maikakaila ang modus-operandi ng sindikato dahil sa ang pinagbasehang Notice of Denial ay taliwas sa Section 47, PD 1529 at pilit na inisyu ng RD laban sa aking Adverse Claim, kabilang na rito ang mismong Provincial Treasurer’s and Asessor’s Offices at ang RTC, porke, bakit nagkutsabahan din lahat sila noong una na isubasta sa BALIKATAN ng hindi ko nalalaman, ang aking property noong July 22, 2010, habang nakatira kami roon ng pamilya ko? With a Court Order, palalayasin ba kami ng Balikatan sa aming ABODE after the grace period on January 13, 2013 lapsed?  
Narito ang pinagbasehan ng Notice of Denial ng RD-Binangonan laban sa aking Adverse Claim at pirmado nina Atty. Hilarion Cerna Mogello, Jr. at Examiner Mila C. Buhay, VIZ;
“In the case of Register of Deeds of Quezon City, et. al.. v. Nicandro, 1 SCRA 1334, the Supreme Court held that an adverse claim of ownership based upon prescription and adverse possession cannot be registered inasmuch as under Section 47 P.D. No. 1529 no title IN DEROGATION TO THAT OF THE REGISTERED OWNER may be acquired by prescription or adverse possession. Hence, x x x..”  (underscoring mine).
Narito naman ang EXACT WORDINGS ng P.D. No. 1529, Chapter IV (Certificate of Title), Section 47.
“Registered land not subject to prescription. No title to register land IN DEROGATION OF THE TITLE of the registered owner shall be acquired by prescription or adverse possession.” (underscoring mine)
Ang word na DEROGATION, batay sa legal meaning nito sa English, ay – SUBSTANTIAL CHANGE.
Sa kasalukuyan, ang Palmera Subdivisions 1 to 6 sa Taytay, Rizal ay wala pang 10% ng mga homeowner  ang meron ng bago at CLEAN TITLE magmula noong 1990 kung kailan ay dating okupado noon ng mga fictitious named OFWs ang naturang mga housing units na 30 years to pay.
Samakatwid, mahigit 90% pa ng Palmera Subdivision legitimate homeowners by adverse possession ang naghahangad din na katulad ko para sila’y magkaroon ng CLEAN TITLE thru Section 70 (Adverse Claim or Title by Prescription) which is a TAX EXEMPT, pero mahigpit na sinasagkaan ng RD dahil sa dikta ng sindikato?
Mahal na PNoy, hangga’t hindi nasusugpo ang gawain ng sindikatong ito ay mananatiling PALABIGASAN nila kami. Sa ngalan ng Homeowners’ Associations under the HLURB sa buong Pilipinas, ako po ay umaasang kagyat na masasawata ng maykapangyarihan ang mga LIMATIK na ito laban sa aming 52,000 homeowners nationwide.
ANA: “Wala naman palang mali sa Section 70 (Adverse Claim) ni Sir Leo eh pa’no ngayon ipatutupad ng RD ang PALUSOT na Notice of Denial na inisyu ni Atty. Jun Mogello base sa FABRICATED meaning ng Section 47 na inimbento ng RD? Kailangan sigurong paimbestigahan na ito ni Sir Leo sa NBI, o, ‘di ba?”
LISA: “Obligasyong irehistro, ipso jure (by the law itself), ang Adverse Claim ni Sir Leo ng RD. Eh ang kaso,  PILIT siyang pinapirma ng Acknowledgement Slip dated 10/5/2012 (Friday) 10:40:53 am, ng isang  Larry na nagpanggap na si Releasing Clerk Edgar H. Naig. KUNWARI eh binabawi na ni Sir Leo ang kanyang claim, para nga naman merong legal basis ang RD na IBASURA ang adverse claim nito sa RD under EPEB No. 2012008124 sa utos ni Atty  Jun Mogello habang kaharap niya mismo si Sir Leo ng sumandaling ‘yon! Ay, ano ba ‘yan?”
CION: “At saka pilit na pinagbayad pa ‘uli sa cashier ni Atty  Jun noong bumalik si Sir Leo, ng Php 180 under OR # 1003788432 dated October 17, 2012, bilang PATUNAY at KUMPIRMASYON ng withdrawal kunwari ng kanyang claim, pero gayunma’y hawak naman lahat ni Sir Leo ang kumpletong EBIDENSIYA vs crime syndicate. Alam mo ba ‘yon, Rizal Provincial Registrar of Deeds, Atty.  Federico M. Cas, Sir?”

Emailed for:
HIS EXCELLENCY BENIGNO S. AQUINO III
Email forwarded to:
1.       Hon. Leila de Lima
Secretary, Department of Justice
2.       Hon. Eulalio C. Diaz
Administrator, Land Registration Authority
3.       Atty. Federico M. Cas
Rizal Provincial Registrar of Deeds
Email posted on the Internet at:
1.       Leo Paras blogsite
2.       Facebook
3.       Twitter
4.       Google

Sunday, October 21, 2012

TO QUELL ANARCHY

ANA: "Eh sino ba kasi ang kalaban ni JPE, komunista? rebelde? Pilipino?"

LISA: "Ang kalaban ni JPE ayon kay CDQ eh si Marcos na kapwa nila NIYURAKAN ang taong-bayan noong panahon ng Martial Law."

CION: "Samakatwid, hindi ito kaso ni JPE vs Joma Sison and Satur Ocampo kun'di JPE laban sa taong-bayan?"

Saturday, October 20, 2012

ONLINE DOCTORATE DEGREES

ANA: "Hoy, alam mo? Merong isang apo si Sir Leo na nag-aaral sa isang public school sa Makati via ONLINE at lingguhan lang kung mag-report sa kanyang teacher sa school."

LISA: "Owws? Bakit, pinapayagan ba 'yan ng DECS? Pa'no naman kung ireklamo sila ng LIBEL ni Sen Ed Angara, puede bang isama ring ACCESSORY sa krimen ni Sen Ed ang DECS?" 

CION: "Hindi lang 'yon, 'day. Marapat din marahil na gawaran ng panibagong Online PhD si Sen Ed na siyang kauna-unahang tatanggap sa buong mundo - DOCTOR OF ANOMALY - o, perfect, 'di ba?"

Friday, October 19, 2012

WHY IS PHL EXPERIENCE WITH LPG SO DIFFERENT?

ANA: "Isama na lang 'yan sa sin tax a la tabako't alak para wala nang taxi driver na gagamit ng LPG para wala nang kalaban ang gasolina't krudo, o, very happy sila, 'di ba?"

LISA: "Ay sus, TALANGKA rin pala ang pag-iisip ng mga oil producers 'noh?"

CION: "Mabuti naman at naibulgar ni Mareng Winnie sa Pinoy ang findings niyang ito, attention DOH, grabe na 'toh!!!"

Thursday, October 18, 2012

ANNEX MEANS TO ATTACH TO

ANA: "Ang sabi ni Dean Raul Pangalangan - (. . nonexistent annexes is a shaky foundation for peace.)"

LISA: "Eh bakit ba kasi nonexistent annexes samantalang NAGBUBUNYI na ang lahat para sa tagumpay ng framework agreement, o, 'di ba?"

CION: "Walang binatbat kung gano'n 'yang framework agreement na 'yan hangga't hindi nililinaw ang saklaw ng power ng COA sa itatayong Bangsamoro. Wala naman sanang KUPITAN, puede?"

Wednesday, October 17, 2012

COLD TURKEY

ANA: "Ano'ng ibig sabihin ng cold turkey, PULUTAN?"

LISA: "Ano kah, baliw? Abrupt withdrawal of all doses, halimbawa, ng paninigarilyo. Bakit?"

CION: "Cold turkey ang pinairal nu'ng 1989 ni Sir Leo sa sarile kaya nakawala siya sa addiction nito sa yosi. Eh pa'no kasi, si Sir Leo mismo ang author ng Implementing Guidelines ng QC Smoking Ban na inakda noon ni Konsehal Cielito (Mahal) del Mundo, alam mo 'yon?"

Tuesday, October 16, 2012

SANGRE DE INDIO, SANGRE DE MORO

ANA: "Sabi ni MILF Chair Murad Ebrahim - I come in peace - eh sana lang 'wag mahaluan ng gawaing a la dugo-dugo gang."

LISA: "Sino sa akala mo ang posibleng mag-a la dugo-dugo gang, ang dugong indio o dugong moro?"

CION: "Sigurado ako na ang gagawa ng eksena, eh, dugong balasubas, 'gaya ng Abu Sayaff at mga kapanalig nina Umbra Kato at Nur Misuari, o, 'di ba?"   

Monday, October 15, 2012

SMOKING IS NOT A HABIT, IT IS AN ADDICTION

ANA: "Eh kahit pala patungan pa ng 100% tax rate ang siragilyo at alak, bibili at gagamit pa rin ang mga adik ng sigarilyo't alak hanggang sa mamatay sila sa CANCER, o, 'di ba?"

LISA: "Para mapatigil 'yung mga adik sa sigarilto't alak sa kanilang addiction, bakit hindi na lang isama sa batas ng illegal drugs para gawin din itong isang KRIMEN?"

CION: "Ang nakikita kong problema kasi kung isasama sa kategorya ng illegal drugs ang sigarilyo't alak, eh daraming tiyak ang TULAK sa PHL !!!"

Saturday, October 13, 2012

NOTICE OF DENIAL, FABRICATED

Hindi malinaw kung alam ni LRA Administrator Eulalio C. Diaz III ang talamak ng land grabbing ng BALIKATAN INC. sa mga homeowners ng Palmera Subdivisions 1, 2, 3, 4, 5 & 6 sa Taytay, Rizal?

Mahigit 2-taon na ng simulang i-harass ng Balikatan ang mga homeowners sa naturang mga subdivisions at pilit pinalalayas ng walang court order ang mga residenteng animo squatter na itinataboy porke hindi pa raw bayad sa kanilang UTANG sa Balikatan ang kanilang mga lote at bahay.

Ang ilan sa mga kapit-bahay namin ay kusang umalis na mula sa inookupahang lote at bahay sa takot na baka sila ay kasuhan at ipakulong ng Balikatan dahil sa LAND GRABBING!!! Hay, grabe.

Nag-apply ako ng adverse claim para sa aking bahay at lote na inookupahan ng tuloy-tuloy ng pamilya ko sa loob ng 12-taon (mula 2000) sa Register of Deeds-Binangonan noong September 5, 2012.

Binayaran ko ang Assessment Form and Payment Order sa halagang Php. 516.32 at nabigyan ng (Electronic Primary Entry Book Number) EPEB No. 2012008124 ganap na 14:15 (alas-2:15) ng hapon, mula kay RD-Binangonan cashier Irene B. Parvian.

Bumalik ako sa RD-Binangonan noong October 5, 2012, 'saktong isang buwan, para i-claim sana ang bagong Titulo ng aking property, batay sa Section 70, P.D. 1529, pero PINIGIL ang issuance ng aking Titulo nina Deputy Register of Deeds , Atty Hilarion Cerna Mogello, Jr. at Examiner Mila C. Buhay sa pamamagitan ng isang FABRICATED NOTICE OF DENIAL.

Ibinase ni Atty. Mogello sa Section 47 ang denial ng RD sa aking adverse claim porke meron daw DEROGATION (substantial change) sa aking pagmumukha, sa halip na derogation ng Titulo?

Pirmado ni Atty. Mogello ang Notice of Denial under Registered Land Entry Number(s) 2012008124, sa halip na EPEB No. 2012008124, subalit ang tinta na kulay berde na ipinang-pirma nito ay NABUBURA kung papatakan ng tubig, alam mo ba 'yon, Rizal RD Registrar Federico M. Cas, Sir?

Bumalik uli ako sa RD-Binangonan noong October 12, 2012 pero ng tanungin ko ang status ng aking adverse claim kay Releasing Clerk Edgar H. Naig, sinabi niyang RELEASED na raw ang aking claim! Hah?

Sabi ko, hindi ako nag-withdraw ng aking claim under under Section 117 noong nakaraang Friday, October 5, 2012 10:40:53 am, at personal na ALAM ni Atty. Mogello 'yan  porke kaming dalawa mismo ang MAGKAUSAP noong oras na 'yon.

ANA: "Kasi, nu'ng bumalik si Sir Leo sa RD para i-claim ang kanyang bagong Titulo ng lupa eh annotated na ang Title in accordance with Section 117, naku, pa'no ngayon 'yan?"   

LISA: "Eh, anong kinalaman ng BALIKATAN sa FABRICATION na 'yan ng RD-Binangonan?"

CION: " Ay, palagay ko meron. Kasi 'yung protection racketeers eh sila rin ang handlers noon ni Delfin Lee na mga pusakal na violators ng syndicated estafa, o, 'di ba?"



 




Friday, October 12, 2012

WHAT IS HAPPENING TO PHILIPPINE SENATE THESE DAYS?

ANA: "Tanong ni Dave sa Tagalog: Ano nanyayare ngayon sa senado? Merong nag-text kay 'mareng Winnie: Ay. SECRET, 'wag kang maingay!!!"

LISA: "Sabi ni Dave: Ang mga senadores traidor, nangongopya, taksil, balimbing, 2 iniwanan ng mga asawa pero 'yung isa nangalunya ng taartits (hay, puso), isang mahilig sumingit, isang taga-mungkahing sar'han ng zipper ang bibig ng Pinoy (hindi magara), isang super talinong huwes, mga taga-pagmana ng kapangyarihan at mga artista."

CION: "Totoo kayang ala-tinapang pinausukan ng pilip-mures ang utak ng mga senadores?" 

Thursday, October 11, 2012

NOTICE OF DENIAL

Narito ang buong nilalaman, verbatim, ng Notice of Denial kontra sa Adverse Claim ni Laoag A. Paras, a.k.a. Leo Paras (AnaLisaCion), ng RD-Binangonan sa kanya noong petsa October 1, 2012, ayon sa sumusunod:

"LAOAG A. PARAS
B4 L14 SAPPHIRE ST., PALMERA III., (sic) SUBD. TAYTAY RIZAL

Dear Sir/Madam:

Please be notified that this office cannot proceed with the registration of the Notice of Adverse Claim under Registered Land Entry Number(s) 2012008124 (italics mine) involving TCT 599677 base on the following  ground(s):

As can be gleaned from the petition of adverse claim presented by the adverse claimant dated 5 September 2012, the basis of his adverse claim is ADVERSE POSSESSION (all caps mine) in the year 2000.

In the case of Register of Deeds of Quezon City, et.al., v. Nicandro, 1 SCRA 1334, the Supreme Court held that an adverse claim of ownership based upon prescription and adverse possession cannot be registered inasmuch as under Section 47 of P.D. No.1529 no title in derogation to that of the registered owner (underscoring mine) may be acquired by prescription or adverse claim. Hence, the registration of such an adverse claim will serve no useful purpose and cannot validly and legally affect the land in question.

Wherefore, the recommendation of DENIAL for registration by Examiner Ms. Mila Buhay in the instant petition, is hereby AFFIRMED.

However, if you do not agree with this ruling, you may elevate the matter En Consulta to the Land Registration Authority, Quezon City, through this Registry within five (5) days from receipt hereof by paying the Consulta fee in the amount of Php. 180.00 without withdrawing said documents in accordance with Section 117 of Presidential Decree No. 1529.

*Note: Please present your claim slip to the Releasing Officer if you wish to withdraw the documents you submitted to this office.

Very truly yours,   

(Sgd) Atty. Hilarion Cerna Mogello, Jr.
(Sgd) Mila C. Buhay
                                                                                 Received by: (Sgd) Laoag A. Paras / 5 Oct 2012"

ANA: "Hindi ba parang BITAG kontra kay Sir Leo ang Notice of Denial na inisyu ng RD-Binangonan sa kanya, porke, pina-withdraw ang isinumiteng ADVERSE CLAIM sa RD sa pamamagitan ng pagpirma ni Sir Leo ng ACKNOWLEDGEMENT SLIP nu'ng October 5, 2012 10:40:53 am, na PILIT isinubo kay Sir Leo ng isang Larry, nagpanggap na si Releasing Clerk Edgar H. Naig?"

LISA: "May tama ka r'yan 'day, kasi, 'yung dahilan ni Atty Mogello at Mila Buhay eh batay sa Sec. 47 na niretoke ng RD, para umakma sa denial nilang mairehistro ang Petition ni Sir Leo sa RD for the titling of his property. Kasi, kung KUSANG binawi nga naman ang dokumento ng claimant mula sa RD, parang DOUBLE JEOPARDY na ito kapag ibinalik uli sa kanila."

CION: "Eh kasi naman super garapal ang KAMANDAG ng mga landgrabber na pinagsisilbihan ni Atty Mogello, porke 'yung pinagbabatayang legal word na DEROGATION (meaning, substantial change), sa Section 47, eh tungkol sa TITULO at hindi sa TAO. Tama ba ako, Binangonan Registrar of Deeds Federico M. Cas, Sir?"    

   

Tuesday, October 9, 2012

IT IS EXACTLY WHAT YOU THINK

ANA: "Uy, nabanggit ni CDQ 'yung buhay ni Saul na SISIW lang ang kawalanghiyaan ni JPE kumpara sa bangis at lupit noon ng Propeta, 'di ba?"

LISA: "May tama ka r'yan 'ga. Pero si Saul alias Paul eh NAGSISI ng labis-labis kay JESU-CRISTO sa pamamagitan ng pagtahak ng TUWID-NA-DAAN para humikayat ng maraming Kristiano sa buong mundo."

CION: "Pero si JPE eh OBVIOUS na HINDI NAGSISI sa pamamagitan ng hindi pag-amin sa AMBUSH-ME para humikayat ng maraming boto para kay Jack. Talagang sobra-sobra ang TAPANG (ng hiya), o, 'di ba?"

Monday, October 8, 2012

"SUPORTAHAN TAKA"

ANA: "Sabi ni CDQ - Culture will not yield to law, law will yield to culture, eh ano ba'ng ibig sabihin no'n, alam mo?"

LISA: "Culture means kalinangan in Tagalog, o kaugalian o kasanayan sa loob ng isang pamilya, angkan o tribo. Bakit?"

CION: "Korek kayo r'yan 'day. Merong kasabihang - kung ano ang puno eh siya ring bunga. 'Yan ang gustong ipairal ng mga senadores sa kani-kanilang angkan na maging politiko ring kagaya nila para SUPORTAHAN TAKA sagad-sa-buto. NAKAKAHIYA KAYO SA BUONG PLANETA !!!"

Friday, October 5, 2012

SA KAALAMAN NG PANGULONG NOYNOY, ANG REGISTER OF DEEDS - BINANGONAN, RIZAL AY HAWAK NG SINDIKATO NG LAND GRABBERS

Noong September 5, 2012 ako'y nag-file ng Adverse Claim para sa bagong Titulo ng aking lupa na kinatitirikan ng aming bahay at tinitirhan ng aking pamilya mula pa noong taong 2000 dito sa Taytay, Rizal, sa Register of Deeds, Binangonan, Rizal.

Batay ito sa Section 70 (Adverse Claim) P.D. No. 1529, at nagbayad ako noong araw ding yaon ng Assessment Form and Payment Order sa halagang Php 516.32 at nabigyan ng EPEB No : 2012008124 sa ilalim ng Official Receipt No. 1003560313 at pirmado ng cashier na si Irene B. Parvian.

Ngunit bago ako nabigyan at payagang makapagbayad ng Assessment Form and Payment Order ay nagkaroon muna kami ng mainit na argumento ni Atty. Hilarion Cerna Mogello, Jr., Deputy Register of Deeds, porke, sabi niya ay LIS PENDENS (under Court jurisdiction) umano ang aking Adverse Claim at hindi puedeng iparehistro ito sa Register of Deeds.

Pero ipinaliwanag ko, batay sa intensiyon ng batas, the registration of an adverse claim is expressly recognized under Section 70. Where the Notice of Adverse Claim is sufficient in law and drawn up in accordance with existing requirements, it become the MINISTERIAL DUTY of the RD to register the instrument WITHOUT UNNECESSARY DELAY (Adverse Claim not ipso jure cancelled after 30 days).

Batay pa rin sa aking research, ang purpose ng Adverse Claim ay para MALAGYAN ng annotation ang bagong Titulo to apprise or make aware 3rd person(s) that there is a CONTROVERSY over the ownership of the land and to preserve and protect the right of the ADVERSE CLAIMANT during the pendency of the controversy.

Kasi, annotated ang TCT No. 599677 na nasa pangalan ng FICTITIOUS na mag-asawang Carlos Mangona Jr. at Cheryl Ann Mangona sa Memorandum of Encumbrances page number 5 ng Titulo, 'gaya ng sumusunod:

Entry No. 2012000398                                                            Date: January 13, 2012   2:27 pm
CERTIFICATE OF SALE : ISSUED BY THE SHERIFF OF REGIONAL TRIAL COURT, ANTIPOLO CITY, IN FAVOR OF BALIKATAN PROPERTY HOLDINGS, INC., AS THE HIGHEST BIDDER, FOR THE SUM OF PHP 629,129.36 SUBJECT TO REDEMPTION WITHIN A PERIOD OF ONE (1) YEAR FROM AND AFTER THE DATE OF REGISTRATION HEREOF, IN ACCORDANCE WITH THE CERTIFICATE OF SALE DATED JULY 22, 2010.

Federico M. Cas
Registrar of Deeds

Ang BALIKATAN ay grupo umano ng mga landgrabber na kasalukuyang iniimbistigahan ng House of Representatives at umano'y may PROTEKSIYON a la Delfin Lee mula sa mga hoodlum-in-robes, mga taga-BIR, RD at Treasurer's and Assesor's Offices sa buong bansa !!!

Kumpleto ang bayad at walang utang sa amilyar ang aking inaangking propiedad at pawang namumunga na rin, makalipas ang labing-dalawang taon, ang mga puno ng mangga, kaimito, bayabas at atis na personal kong itinanim noong dumating kami at ariin ang lupa at bahay ng aking pamilya sa pamamagitan ng Adverse Possession.

Sa halip na magkaroon kami ng Title by Prescription mula sa RD, eh bakit NAISUBASTA ng Provincial Treasurer, Taytay Assessor's Office at pinanalo naman ng RD ang BALIKATAN, Inc. samantalang tuloy-tuloy na naninirahan ang buong pamilya ko sa naturang property sa loob ng 12-taon?

Ayon sa rules - "The settled doctrine is that the effects of a foreclosure sale retroact to the date of registration of the mortgage."

So, siguradong BISTADO at talagang hindi maikakaila ang gawain ng sindikato, partikular sa kasong ito, dahil sa Notice of Denial ng RD sa aking Adverse Claim, kabilang na rito ang mismong Provincial Treasurer's at Assessor's Office ng Taytay, Rizal, porke, nagkutsabahang ISUBASTA nila ng hindi ko alam ang aking property habang nakatira kami roon ng pamilya ko at walang utang sa amilyar.   

Narito ang pinagbasehan ng NOTICE OF DENIAL ng RD-Binangonan sa aking Adverse Claim at pirmado nina Atty. Hilarion Cerna Mogello, Jr. at Mila C. Buhay, viz;

"In the case of Register of Deeds of Quezon City, et.al. v. Nicandro, 1 SCRA 1334, the Supreme Court held that an adverse claim of owenrship based upon prescription and adverse possession cannot be registered inasmuch as under Section 47 P.D. No. 1529 no title is derogation to that of the registered owner may be acquired by prescription or adverse possession. Hence, x x x. ."

Narito naman ang EXACT WORDING ng P.D. No. 1529, Chapter IV (Certificate of Title), Section 47, as follows;

"Registered land not subject to prescription. No title to register land in derogation OF THE TITLE of the registered owner shall be acquired by prescription or adverse possession." (all caps mine)

Ang word na DEROGATION, batay sa legal meaning nito sa English, ay - SUBSTANTIVE CHANGE.

ANA: “Wala naman palang mali sa Section 70 (Adverse Claim) ni Sir Leo eh pa’no ngayon ipatutupad ng RD ang Notice of Denial na inisyu ni Atty. Jun Mogello base naman sa RETOKADONG Section 47 na inimbento nito?”

LISA: “Obligasyon na irehistro, ipso jure (by the law itself), ang Adverse Claim ni Sir Leo ng RD pero PILIT siyang pinapirma ng Acknowledgement Slip, dated 9/5/2012 14:15 ni Edgar H. Naig na KUNWARI eh binawi na ni Sir Leo at hindi na itutuloy ang adverse claim nito sa RD under EPEB No. 2012008124 sa utos ni Atty Jun Mogello !!!”

CION: “At saka pinagbabayad pa sa cashier ni Atty Jun si Sir Leo ng P180 para sa KUMPIRMASYON ng withdrawal kunwari ng kanyang claim, kaya lang eh walang datung si Sir Leo, pero, hawak naman lahat niya ang kumpletong EBIDENSIYA vs crime syndicate.”
















 
 














        








    









   

Thursday, October 4, 2012

PALUSOT

Ang "malum in se" (legal parlance) na ginamit na argumento ni Dean Pangalangan, batay sa bokabularyo ni Cong Rudy Farinas ng Ilocos Norte, eh PALUSOT !!! 

Wednesday, October 3, 2012

POLITICAL DYNASTIES STRADDLE THE ALPHABET

ANA: "Hindi ba ang Election 2013 eh kauna-unahang magaganap sa Pilipinas na posibleng meron malaking impluwensiya ang NETIZENS para wakasan na ang political dynasties who straddle the alphabet?"

LISA: "Ay sinabi mo. Kaya nga nagkukumahog ang mga utak iskul-bukol na senadores na kagyat na ipatupad ang cybercrime law para sagkaan ang mga blogger sa nagbabadya nilang paggupo sa political dynasties thru INTERNET, alam mo 'yun?"

CION: "Hindi ba 'yung lucky-13 na bumoto sa SININGITANG cybercrime law eh lahat sila'y kabilang sa political dynasties? Marahil eh nasa hinagap na nila ang mala-ONDOY na bagsik ng netizens kumpara sa people power sa Edsa para tuluyang ISADLAK ng political dynasties sa Pilipinas, o, 'di ba?" 

Tuesday, October 2, 2012

DAGDAG-BAWAS

ANA: "Ang tanong ni CDQ, bakit 'di na lang pagsamahin umano bilang SUPRAPARTY ang LP at UNA para bahala na ang Pinoy na mamili ng iboboto mula sa supraparty?"

LISA: "Korek na r'yan 'ga. Kasi naman eh pare-pareho rin ang pamilya ng mga politikong 'yan ng adhikain. Para MANILBIHAN ng SABAY-SABAY bilang senador, congressman, gobernador, mayor, bgy capt o maging KB chaiman para magtamasa ng KUARTA, KAPANGYARIHAN at KAPAL NG MUKHA, alam mo 'yon?"

CION: "Uy, natumbok n'yo 'day ang tunay na adhikain ng mga pulpolitiko. Sa pamamagitan ng DAGDAG-BAWAS eh kailangang maka-puesto ang isang political dynasty member ng sinusungkit na puesto para pagsamantalahan ang mga BOBONG botante. Araguy!!!"

PINOYS ALSO DO NOT RESPECT THE CONSTI

ANA: "Sabi ni Neal Cruz ang LP at UNA eh pawang walang respeto sa ating Saligang-Batas. Eh bakit?"

LISA: "Pa'no kasi, ama, ina, anak, kapatid, asawa eh sabay-sabay silang gustong MANILBIHAN sa gobyerno bilang senador, congressmen, gobernador, mayor dahilan sa iisang ADHIKAIN - magtamasa sila ng KAPANGYARIHAN at KUWARTA !!!"

CION: "Samantala, tayong mga botante naman eh wala ring HABAS kung magtapon ng basura sa mga lansangan, ilog, dagat at maging sa himpapawid kung kaya ang NGITNGIT ng kalikasan eh bumabalik sa Pinoy. Samakatwid, lahat ng Pinoy na Politiko, Huwes at pangkaraniwang botante, eh, pawang mga WALANG DISIPLINA !!!"    

Monday, October 1, 2012

NETIZENS

ANA: "Meron bang English word na netizen? Ano naman ang ibig sabihin n'yon kung meron man, alam mo?"

LISA: "Ay, 'ala ka palang binatbat sa bukabolaryo, 'ga. Ang netizen eh coined word patungkol sa mga gumagamit ng INTERNET, 'gaya ng mga blogger."

CION: "Korek ka r'yan 'day, ang galing mo. 'Yung ipinuslit para ISINGIT sa Phl cybercrime prevention bill ni Ed Angara at sa sulsol ni Tito Sen, eh tatamaan ka ng asuntong LIBELO (mula sa mga onion skinned pulpolitiko) kahit saang lupalop ka ng planeta naroroon porke walang BOUNDARY ang air space, o, 'di ba?"