SA KAALAMAN NG PANGULONG
NOYNOY, TITLING SYNDICATE
SA RD-RIZAL, MALALA NA
PO BATAY SA AKING KARANASAN
Ni: Laoag Albano Paras a.k.a. Leo
Paras (AnaLisaCion) Date: October 20,
2012
Noong September 5, 2012 ako’y nag-file ng Adverse Claim para
sa bagong Titulo ng aking lupa na kinatitirikan ng aming bahay at tinitirhan ng
aking pamilya mula pa noong taong 2000 sa Taytay, Rizal, sa Register of Deeds,
Binangonan, Rizal.
Batay ito sa Section 70, Adverse Claim na isang TAX EXEMPT
ayon sa PD No. 1529, at nagbayad ako noong araw ding yaon ng Assessment Form
and Payment Order sa halagang Php 516.32 at nabigyan ng EPEB No : 2012008124 sa
ilalim ng Official Receipt No. 1003560313 at pirmado ng cashier na si Irene B.
Parvian.
Ngunit bago ako nabigyan at payagang makapagbayad ng
Assessment Form and Payment Order ay nagkaroon muna kami ng mainit na argumento
ni Atty. Hilarion Cerna Mogello, Jr, Deputy Register of Deeds, porke, sabi niya
ay LIS PENDENS (under Court jurisdiction) umano ang aking adverse claim at
hindi puedeng irehistro ito sa Register of Deeds.
Pero ipinaliwanag ko, batay sa intensiyon ng batas, the
registration of an adverse claim is expressly recognized under Section 70.
Where the notice of Adverse Claim is sufficient in law and drawn up in
accordance with existing requirements , it becomes the MINISTERIAL DUTY of the RD
to register the instrument WITHOUT
UNNECESSARY DELAY . Adverse claim not ipso jure cancelled after 30 days.
Batay pa sa aking research sa INTERNET, ang purpose ng
Adverse Claim ay para LAGYAN ng annotation ang bagong titulo to apprise or make
aware 3rd person(s) that there is a CONTROVERSY over the ownership
of the land and to preserve and protect the right of the ADVERSE
CLAIMANT during the pendency of the controversy
Kasi, annotated ang TCT No. 599677 na nasa pangalan ng FICTITIOUS na mag-asawang Carlos Mangona
Jr at Cheryl Ann Mangona sa Memorandum of Encumbrances on page number 5 ng
Titulo, ‘gaya ng sumusunod:
“Entry No. : 2012000398 Date: January 13, 2012 2:27 pm
CERTIFICATE OF SALE
: ISSUED BY THE SHERIFF OF
REGIONAL TRIAL COURT, ANTIPOLO CITY, IN FAVOR OF BALIKATAN PROPERTY HOLDINGS,
INC., AS THE HIGHEST BIDDER, FOR THE SUM OF PHP 629,129,36 SUBJECT TO
REDEMPTION WITHIN A PERIOD OF ONE (1) YEAR FROM AND AFTER THE DATE OF
REGISTRATION HEREOF, IN ACCORDANCE WITH THE CERTIFICATE OF SALE DATED JULY 22,
2010.
Federico M. Cas
Registrar of Deeds”
Ang BALIKATAN ay grupo umano ng mga landgrabber na
kasalukuyang iniimbistigahan ng House of Representatives, ayon sa Internet, dahil
daw sapilitang naniningil ng delinquency loans ng 52,000 homeowners nationwide at
posible umanong may PROTEKSIYON, a la Delfin Lee, mula sa mga hoodlums-in-robe,
mga taga-BIR, RD at Treasurer’s and Assessor’s Offices sa buong bansa !!!
Kumpleto ang bayad ko at walang utang sa amilyar ang aking inaangkin na propiedad at
pawang namumunga na rin, makalipas ang labing-dalawang taon, ang mga puno ng
mangga, kaimito, bayabas at atis na personal kong itinanim noong dumating kami
at ariin ang lupa at bahay ng aking pamilya sa pamamagitan ng Adverse Possession.
Sa halip na magkaroon kami ng Title by Prescription mula sa RD, ay kung bakit NAISUBASTA ng
Provincial Treasurer’s and Assessor’s Offices at pinanalo pa ng RD ang BALIKATAN,
Inc. at kumpirmado rin ng RTC, samantalang tuloy-tuloy kaming nakatira ng buong
pamilya ko sa naturang property sa loob ng 12-taon at bayad lahat ang property
taxes sa Local Government at ang mga resibo ay pawang nasa aking pangalan,
LAOAG A. PARAS.
BISTADO at talagang hindi maikakaila ang modus-operandi
ng sindikato dahil sa ang pinagbasehang Notice of Denial ay taliwas sa Section
47, PD 1529 at pilit na inisyu ng RD laban sa aking Adverse Claim, kabilang na
rito ang mismong Provincial Treasurer’s and Asessor’s Offices at ang RTC, porke,
bakit nagkutsabahan din lahat sila noong una na isubasta sa BALIKATAN ng hindi
ko nalalaman, ang aking property noong July 22, 2010, habang nakatira kami roon
ng pamilya ko? With a Court Order, palalayasin ba kami ng Balikatan sa aming
ABODE after the grace period on January 13, 2013 lapsed?
Narito ang pinagbasehan ng Notice of Denial ng RD-Binangonan laban sa aking Adverse
Claim at pirmado nina Atty. Hilarion Cerna Mogello, Jr. at Examiner Mila C.
Buhay, VIZ;
“In the case of Register of Deeds of Quezon City, et. al.. v. Nicandro,
1 SCRA 1334, the Supreme Court held that an adverse claim of ownership based
upon prescription and adverse possession cannot be registered inasmuch as under
Section 47 P.D. No. 1529 no title IN DEROGATION TO THAT OF THE REGISTERED OWNER
may be acquired by prescription or adverse possession. Hence, x x x..” (underscoring
mine).
Narito naman ang EXACT WORDINGS ng P.D. No. 1529, Chapter IV (Certificate of Title), Section 47.
“Registered land not subject to prescription. No title to register land
IN DEROGATION OF THE TITLE of the registered owner shall be acquired by
prescription or adverse possession.” (underscoring mine)
Ang word na DEROGATION, batay sa legal meaning nito sa
English, ay – SUBSTANTIAL CHANGE.
Sa kasalukuyan, ang Palmera Subdivisions 1 to 6 sa Taytay,
Rizal ay wala pang 10% ng mga homeowner ang
meron ng bago at CLEAN TITLE magmula noong 1990 kung kailan ay dating okupado noon
ng mga fictitious named OFWs ang naturang mga housing units na 30 years to pay.
Samakatwid, mahigit 90% pa ng Palmera Subdivision legitimate
homeowners by adverse possession ang naghahangad din na katulad ko para sila’y magkaroon
ng CLEAN TITLE thru Section 70 (Adverse Claim or Title by Prescription) which
is a TAX EXEMPT, pero mahigpit na sinasagkaan ng RD dahil sa dikta ng
sindikato?
Mahal na PNoy,
hangga’t hindi nasusugpo ang gawain ng sindikatong ito ay mananatiling
PALABIGASAN nila kami. Sa ngalan ng Homeowners’ Associations under the HLURB sa
buong Pilipinas, ako po ay umaasang kagyat na masasawata ng maykapangyarihan
ang mga LIMATIK na ito laban sa aming 52,000 homeowners nationwide.
ANA: “Wala naman
palang mali sa Section 70 (Adverse Claim) ni Sir Leo eh pa’no ngayon ipatutupad
ng RD ang PALUSOT na Notice of Denial na inisyu ni Atty. Jun Mogello base sa
FABRICATED meaning ng Section 47 na inimbento ng RD? Kailangan sigurong
paimbestigahan na ito ni Sir Leo sa NBI, o, ‘di ba?”
LISA: “Obligasyong
irehistro, ipso jure (by the
law itself), ang Adverse Claim ni Sir Leo ng RD. Eh ang kaso, PILIT siyang pinapirma ng Acknowledgement Slip
dated 10/5/2012 (Friday) 10:40:53 am, ng isang Larry na nagpanggap na si Releasing Clerk Edgar
H. Naig. KUNWARI eh binabawi na ni Sir Leo ang kanyang claim, para nga naman merong legal basis ang RD na IBASURA
ang adverse claim nito sa RD under EPEB No. 2012008124 sa utos ni Atty Jun Mogello habang kaharap niya mismo si Sir
Leo ng sumandaling ‘yon! Ay, ano ba ‘yan?”
CION: “At saka pilit
na pinagbayad pa ‘uli sa cashier ni Atty Jun noong bumalik si Sir Leo, ng Php 180 under
OR # 1003788432 dated October 17, 2012, bilang PATUNAY at KUMPIRMASYON ng withdrawal
kunwari ng kanyang claim, pero gayunma’y hawak naman lahat ni Sir Leo ang
kumpletong EBIDENSIYA vs crime syndicate. Alam mo ba ‘yon, Rizal Provincial
Registrar of Deeds, Atty. Federico M.
Cas, Sir?”
Emailed for:
HIS EXCELLENCY BENIGNO S. AQUINO III
Email forwarded to:
1. Hon.
Leila de Lima
Secretary, Department of Justice
2. Hon.
Eulalio C. Diaz
Administrator, Land Registration Authority
3. Atty.
Federico M. Cas
Rizal
Provincial Registrar of Deeds
Email posted on the Internet at:
1. Leo
Paras blogsite
2. Facebook
3. Twitter
4. Google
No comments:
Post a Comment