Saturday, October 13, 2012

NOTICE OF DENIAL, FABRICATED

Hindi malinaw kung alam ni LRA Administrator Eulalio C. Diaz III ang talamak ng land grabbing ng BALIKATAN INC. sa mga homeowners ng Palmera Subdivisions 1, 2, 3, 4, 5 & 6 sa Taytay, Rizal?

Mahigit 2-taon na ng simulang i-harass ng Balikatan ang mga homeowners sa naturang mga subdivisions at pilit pinalalayas ng walang court order ang mga residenteng animo squatter na itinataboy porke hindi pa raw bayad sa kanilang UTANG sa Balikatan ang kanilang mga lote at bahay.

Ang ilan sa mga kapit-bahay namin ay kusang umalis na mula sa inookupahang lote at bahay sa takot na baka sila ay kasuhan at ipakulong ng Balikatan dahil sa LAND GRABBING!!! Hay, grabe.

Nag-apply ako ng adverse claim para sa aking bahay at lote na inookupahan ng tuloy-tuloy ng pamilya ko sa loob ng 12-taon (mula 2000) sa Register of Deeds-Binangonan noong September 5, 2012.

Binayaran ko ang Assessment Form and Payment Order sa halagang Php. 516.32 at nabigyan ng (Electronic Primary Entry Book Number) EPEB No. 2012008124 ganap na 14:15 (alas-2:15) ng hapon, mula kay RD-Binangonan cashier Irene B. Parvian.

Bumalik ako sa RD-Binangonan noong October 5, 2012, 'saktong isang buwan, para i-claim sana ang bagong Titulo ng aking property, batay sa Section 70, P.D. 1529, pero PINIGIL ang issuance ng aking Titulo nina Deputy Register of Deeds , Atty Hilarion Cerna Mogello, Jr. at Examiner Mila C. Buhay sa pamamagitan ng isang FABRICATED NOTICE OF DENIAL.

Ibinase ni Atty. Mogello sa Section 47 ang denial ng RD sa aking adverse claim porke meron daw DEROGATION (substantial change) sa aking pagmumukha, sa halip na derogation ng Titulo?

Pirmado ni Atty. Mogello ang Notice of Denial under Registered Land Entry Number(s) 2012008124, sa halip na EPEB No. 2012008124, subalit ang tinta na kulay berde na ipinang-pirma nito ay NABUBURA kung papatakan ng tubig, alam mo ba 'yon, Rizal RD Registrar Federico M. Cas, Sir?

Bumalik uli ako sa RD-Binangonan noong October 12, 2012 pero ng tanungin ko ang status ng aking adverse claim kay Releasing Clerk Edgar H. Naig, sinabi niyang RELEASED na raw ang aking claim! Hah?

Sabi ko, hindi ako nag-withdraw ng aking claim under under Section 117 noong nakaraang Friday, October 5, 2012 10:40:53 am, at personal na ALAM ni Atty. Mogello 'yan  porke kaming dalawa mismo ang MAGKAUSAP noong oras na 'yon.

ANA: "Kasi, nu'ng bumalik si Sir Leo sa RD para i-claim ang kanyang bagong Titulo ng lupa eh annotated na ang Title in accordance with Section 117, naku, pa'no ngayon 'yan?"   

LISA: "Eh, anong kinalaman ng BALIKATAN sa FABRICATION na 'yan ng RD-Binangonan?"

CION: " Ay, palagay ko meron. Kasi 'yung protection racketeers eh sila rin ang handlers noon ni Delfin Lee na mga pusakal na violators ng syndicated estafa, o, 'di ba?"



 




No comments:

Post a Comment