Wednesday, December 31, 2014

"IF YOU WISH FOR PEACE, PREPARE FOR WAR" - OleSapra

ANA: "Oy, 'lamobang magdamag na NILIMI-LIMI (reviewed) ni Sir Leo (OleSapra) ang ating mga ipinublika sa Internet sa nakalipas na 2-taon (2012 - 2014), at leoparas.blogspot.com under ANA/LISA/CION? Sa pagbubukas kase ni Sir Leo ng kanyang desktop ngayong alas-4 ng umaga, January 1, 2015, eh nakapagtala na pala tayo ng 838 posts at meron na rin tayong 30,306 pageviews all time history as of this writing! Wow!!!"

LISA: "Well, totoo 'yan 'ga. Pero, dapat din nating linawin sa ating libo-libong viewers worldwide, na binuo ni Sir Leo ang ANA/LISA/CION upang ipaglaban ang KARAPATAN ng mga inaaping Pinoy sa pamamagitan ng social media o internet, partikular ang mga biktima ng land grabbing syndicates. Batay sa kasabihan sa wikang Latin - SI VIS PACEM, PARA BELLUM (Kung nais mo ng kapayapaan, humanda ka sa pakikipaglaban). Kase nga, si Sir Leo mismo eh mag-isang LUMALABAN porke biktima rin siya ng land grabbing syndicate na Balikatan aka BFS."

CION: "Base sa taksan-taksan na documentary evidence na hawak ni Sir Leo, eh napagdugtong-dugtong niya ang MODUS-OPERANDI ng sindikato na kinabibilangan ng Balikatan na isang private entity, ang RTC-Antipolo, Register of Deeds-Binangonan at ang pekeng homeowners association ng Palmera Hills II Subd, Taytay, Rizal. Pending ang House of Representatives investigation vs Balikatan dahil sa reklamo ng 52,000 homeowners nationwide na pinalayas mula sa mga hinuhulugang-bahay ng sindikato. Isinumite lahat ni Sir Leo ang mga ebidensiya mismong ke Ombudsman Conchita Carpio-Morales noong December 12, 2014 2:55. MANIGONG BAGONG TAON SA LAHAT!!!        

Tuesday, December 30, 2014

SENATE BRsubC RESUMES PROBE VS NOGNOG IN JAN 22, THURSDAY

ANA: "Hay, kagimbal-gimbal talaga ang lagablab-ng-diskusyon mula sa pros en cons re Nognog's kasong pandarambong sa palitan ng mahahayap na salita sa DISQUS. Kumbaga kase sa shooting war, ke meron kang suot na kevlar helmet o bullet proof vest, eh WA EPEK pa rin ang mga 'to para sanggahin ang ALINGAWNGAW ng mga INSULTO mula sa magkabilang-panig. NakakaGIGIL!!!"

LISA: "Eh pa'no kase, muling ginatungan o DINAGDAGAN ni Sen Trillanes 'yung nagbabaga nang EBIDENS na unang idinuldol laban ke Nognog, para siguro tuluyang tablan at MATUPOK, ang makapal na pagmumukha ni Nognog sa pamamagitan ng karagdagang bagong ebidens, kasama pa raw ang bagong witness na unang ipakikilala when the Senate hearing resumes in January 22, a Thursday. Abangan!"

CION: "Natitiyak kong malaki ang budget ng TANGApagtanggol sa Disqus ni Nognog, pero, sigurado rin akong malaki rin ang gagastahin nito para maipasuri ang kanyang brain damage gawa ng tinamong mga insulto mula sa bloggers. Mistula kasi siyang laspag-na-haliparot at maitim ang budhi pero itinatangging merong BULATE ang utak 'tsaka 'di rin daw maitim ang GILAGID? Hay, juice ko 'day!"    

Sunday, December 28, 2014

NOGNOG'S CHILDREN NOW IN THE POLITICAL FOES' GUNSIGHT?

ANA: "Asusmaryopes kang talaga Nognog ka. 'Di namin talaga maAROK 'yang uri ng pamumulitika mo, peksman. UNA, sinasabi ng mga spookymen mo na hindi ka kelangang sumipot sa Senate BRsubC hearings porke kangaroo court laang 'to, o, 'di ba?"

LISA: "Uh-unga 'ga. Ngayon nama'y nagmistulang GARAMPINGAT si TONGresman Abi Binayaran na sinasabing bakit siniSIPAT daw, ayon ke spookman nilang si Joey Sagadna, ang buong pamilya ni Nognog dahil bakit daw siya iimbestigahan ng OMB? At bakit din daw kelangang isalang ang buong angkan ni Nognog sa CROSSHAIRS ng kanilang political foes? Ahooo, ahu, hu-hu-hu!"

CION: "Crosshairs o cross wires means 2 fine mutually perpendicular wires that cross in the focal plane of a gunsight. Ibig sabihin, nakaTUTOK na sa mga Binayaran ang imbestigasyong ISASAGAWA ng OMB laban sa pandarambong ng mga Binayaran. Hindi na uubra ang mga palusot ni Nognog, sa pagkakataong ito, 'gaya ng pagtanggi nitong siputin ang BRsubC hearings na aniya'y kangaroo court. Abangan!"

Friday, December 26, 2014

BINAYarans ARE PERSONS ABOVE THE LAW

ANA: "Katulad ng sinasabi sa kolum ni Mareng Winnie, tayo rin, 'gaya nga ni Mareng Winnie, eh nagsisiwalat o nagbubunyag o naghahayag, o sa salitang Ingles - REVELATION para sa kaalaman din ng Pinoy, ang hinggil sa PANDARAMBONG ni Nognog mula sa kaban-ng-Makati simula pa no'ng siya eh italaga ni Tita Cory bilang OIC ng Makati no'ng 1986."

LISA: "Me tama ka r'yan 'ga. Kase, dahil sa Senate hearings eh unti-unting lumilinaw sa Pinoy na si Nognog eh TUNAY na mahirap ang buhay bilang isang human rights lawyer at nangungupahan lamang sa apartment bago siya na-appoint na OIC ng Makati no'ng 1986. Pero 'di na maitago ngayon ni Nognog sa mata ng publiko ang mga EDIBENS ng pangungulimbat nito dahil halos 'sing yaman na niya ang mga Ayalas o Aranetas na lehitimong mga NEGOSYANTE simula pa no'ng early 1900s! O, 'di ba?"

CION: "Yes, yes yeow! Kahit ang Senate BRsubC lamang ang ating source of info, we had in effect to depend on the court of public opinion. Para kase itong KUMUNOY na habang umaalpas si Nognog na naka-swak sa gitna, eh lalo lamang siyang lumulubog kasama ang kanyang buong pamilya. Kailangang kumilos ng mabilis ang BIR, before May 2016 Elections, para mabawi ang mga kayamanang dinambong ni Nognog bago pa masaid ito para ipamudmod sa mga BOBOtantes. 'Yun na!!!"  

Tuesday, December 23, 2014

MAR, PNOY PRESUMPTIVE CHOICE TO SUCCEED HIM

ANA: "Sige na nga, binabawi ko na 'yung kursunada ko sanang tandem na POE - KIKO, kase parang hindi magandang pakinggan kahit me kaaya-ayang halimuyak sa botante, noh? Ayon sa huling SWS survey eh patuloy pang pumapaIMBULOG ang kabanguhan ni Mar sa mga Pinoy para POSIBLENG iboto at humalili ke PNoy, o, 'di ba?"

LISA: "Korek ka r'yan 'ga. Kaya naman pinaplano na ng LP na tiyak namang ikagagalak ni Aling Koring, ang MAR - GRACE tandem para sa 2016 presidential election. Ay, para sa'ken eh perpekto talaga, grabe! So, kelan kaya ang formal announcement ng LP para sa Mar - Grace tandem upang maimpormahan ang buong botantes sa Pinas, ha?"

CION: "Malinaw ngayong tumambad ang DEPEKTO ng maagang pamumulitika ni Nognog na sumasagitsit pang pumaimbulog a la kuwitis ang survey nang ipahayag no'ng 2010 na siya kuno ang papalit ke PNoy bilang pangulo sa presidential elections of 2016? Ano mang bagay ang iyong ipukol ng paimbulog (pataas) eh hihinto sa ere kapag wala nang puwersa at hihigupin ng gravity PABULUSOK (pababa) sa lupa a la Nognog survey na masasalubong si Mar habang patuloy pang pumapaimbulog!"  

Saturday, December 20, 2014

THE RAID ON THE NBP BY DOJ SEC LEILA DE LIMA

ANA:"Mahigit na 3-buwan pala ang ginugol sa pagpaplano sa raid na pinangunahan mismo ni Sec LdL sa NBP no'ng nakaraang Lunes, noh? Kung lilimiin, meron daw kasing leakages sa isasagawang raid, kaya naman muling INULIT ni LdL ang ikalawang raid no'ng Biernes, kasabay ng pagsibak ni LdL sa 3 matataas na opisyal ng NBP. Hay, buti nga."

LISA: "Ay ako, alam ko kung sino-sino ang mga nagbunyag sa isasagawang raid, sila 'yung mga waswit ng drug lords! Kase, tinatawagan daw ang celfone ni Heneral Bukayo nu'ng Linggo ng gabi before the raid, tinatanong si Bukayo kung saan daw ililipat na kulungan ang kani-kanilang asa-asawa, o, 'di ba?"

CION: "Saktong 20 kuno ang bilang ng mga high-profile at very-important-preso (VIP) sa NBP. Kung ako ang tatanungin para iresolba ang kasong 'to vs VIPs eh tanggalin na sana ni PNoy ang prohibition sa BITAY at bitayin ang 20 VIPs ng sabay-sabay. O, kaya eh, igawa sila ng bagong bilibid a la Alcatraz sa Spratley na lumulubog ng hanggang leeg (1.5 mtrs) kung high tide, 'tsaka do'n sila'y eksklusibong ikalaboso, sa halip na sila'y ikulong at ihalo sa gagawin pa lamang na NBP sa Laur, Nueva Ecija. Perfect!!!"  

Thursday, December 18, 2014

CAKE SUPPLIER OF NANCY BINAY SLAPPED WITH TAX EVASION CASE

ANA: "O, kitam? Sabi na kasing maUUTAY-UTAY na kakapusin ng idaDAHILAN ang pamilyang BINAYaran para SANGGAHIN o ipagtanggol ang sarile sa patong-patong na kasong kasalukuyang dinidinig sa Senado, Ombudsman at sa BIR. Hay, juice ko, ako'y nabubulunan ng cake, Nang Si!!!"

LISA: "Uh-unga 'ga. Ang 'sama pa nito, pati mga dummies na kinilalang sina Chong at Tiu eh sinampahan ng tax evasion cases ng BIR, kase, laging kinukupit ni Nang Si ang sana'y tamang kuwenta ng taxes na babayaran sa BIR ng mga dummies, so, hayan - magpaHINOG kayo! Samantala, nakangisi lang si Nang Si, litaw ang nangingintab at maitim na gilagid. Hhuuu wooo!"

CION: "Ah, hindi na lingid 'yan sa publiko. DinaDAGA na talaga ang dibdib ni Nognog, sa totoo lang, porke parang daluyong (read: justice) ni Yolanda mula sa laot ang paparating sa kanyang kinatatayuang LUPA, para siklutin at ibalik ng daluyong sa laot para ISAMA sa mga kakosa niyang barakuda (read: double crosser) na sumasakmal sa kapwa barakuda (read: dummies)! See???"

Wednesday, December 17, 2014

PNOY OPEN TO GRACE AS LP BET

ANA: "Basta ako, kung sino man ang ire-recommend ni PNoy na papalit sa kanya, eh siya kong iboboto, sumpaman! Kase, an'dami talagang natutuklasang karumal-dumal na pandarambong ng mga politiko sa panahon ng presidency ni PNoy. Kelangang ituloy ng papalit ke PNoy, si Grace Poe, ang programang TUWID NA DAAN, katuwang ang Veep candidate na si Kiko Pangilinan. POE-KIKO! Yehey!!!"

LISA: "Heh! Pangit pakinggan 'yung pagkakasunod ng pangalan ng mga kandidato mo. Gamitin mo na lang kase 'yung tunay na pangalan ni Sen Pangilinan, Francis, para magiging tunog relihiyoso pa ang dating, POE-FRANCIS, o, 'di ba? Kikintal tiyak sa mga voters 'yung pagdalaw sa Pilipinas ni Pope Francis, kase, katunog ito ng Poe-Francis. Talagang perfect!!!"

CION: "Pabor ako r'yan 'day. Kumpara sa pangako ni Nognog sa mga bobotantes, 'yung progresong ginawa raw ng mga BINAYaran sa Makati, 'gaya  ng pagpapatayo ng world class parking building, Makati Science High School at pamimigay ng cake sa mga senior citizen na APAT-NA-BESES na overpriced, eh siya rin umanong ipatutupad sa buong Phl kung siya ang papalit ke PNoy! Put tongue-in anew!!!"

Monday, December 15, 2014

DRUG LORDS RULE NBP

ANA: "Asusmaryopes, nakakaGULANTANG talaga sa isipan ng Pinoy ang ALINGAWNGAW ng marangyang-buhay ng mga drug lords sa loob ng National Bilibid Prisons (NBP) sa Muntinlupa, kase, mistulang resort ang bilibid bukod pa sa do'n din umano ang mga drug lords OPERATE a nationwide drug syndicate! Biro mo 'yon?"

LISA: "Alam mo bang ngayon lang nangyari sa kasaysayan ng NBP ang pagkakatuklas ni DoJ Sec LdL ng kubol-kubol a la high-end condo unit kung saa'y do'n nakatira (nakakulong) ang mga drug lords? Bawat kubol eh sobrang marangya at nakita rin ni Sec LdL ang personal na gamit ng bawat drug lord na preso 'gaya ng Patek o Rolex watches, split-type aircon, pati life size na sex doll. Umuungol din kaya 'yon?"

CION: "UMAANGAL na ang mamamayan, hindi umuungol 'gaya mo, dahil sa tumataas ang mga kasong rape, hold-up at robbery dahil sa impluwensiya ng DROGA. Kung nakakahuli man ang PDEA-NBI-POLICE ng drug laboratories eh hindi sapat ito para masugpo nang tuluyan ang problema sa droga porke patuloy ang paglaganap nito nationwide sa pammagitan ng mga nakakulong na drug lords sa NBP. Kailan ba kase matatapos ang bagong NBP sa Laur, Nueva Ecija?"  

Sunday, December 14, 2014

ERAP TO SUPPORT GRACE POE AGAINST NOGNOG

ANA: "Hayan, bumaliktad na si Erap. Unang-UNA kase, kitang-kita na ni Erap ang pagguho ng kandidatura ni Nognog bilang panggulo ng Pilipinas, 'di ba?"

LISA: "Pa'no kase naman, eh mismong si Nognog ang tumalon sa gitna ng kumunoy porke an'dami niyang pautot at hele-hele para 'wag dumalo sa Senate BRsubC para sagutin ang paratang sa kanyang PANDARAMBONG bigtime. Siempre, pag-uusapan 'yan sa media, tapos, sasabihin niyang binabayaran ang media para siraan siya? Siya ang SIRA, peksman!!!"

CION: "Malinaw lahat 'to ke Erap kaya naman umiwas na siyang damayan si Nognog na lumulubog sa kumunoy, otherwise, 'di na niya maililigtas si Junggoy kasama sina Tanda at Bobong Revilla. Pero, saan naman kaya kukuha si Erap para panggastos ni Grace sa kampanya, ha? Sapat-sapat pa kaya ang kayamanang 'galing sa jueteng gate na hanggang sa ngayo'y nakatago UMANO sa 8 mtrs X 8 mtrs sukat ng underground na kuwarto???"

Thursday, December 11, 2014

LETTER-COMPLAINT

Blk 4, Lot 14 Sappire St.,
Palmera Hills IIE Subd.,
Taytay, Rizal
December 11, 2014

THE HON. CONCHITA CARPIO-MORALES, Ombudsman
Ombudsman Building, Agham Road, North Triangle
Diliman, Quezon City

Dear Ombudsman Morales:

I am LAOAG A.PARAS, 66 years old, married and a resident at the above address. I was constrained to file another complaint in relation to my former letter-complaint filed on May 28, 2012 with the Ombudsman after I consolidated all pertinent documents in respect of my adverse possession of property located at the aforesaid address with TCT No. 599677 in the name of fictitious couple, Carlos Mangona and Cheryl Ann Mangona. Copy of the said letter-complaint is hereto attached.
I acquired the said property by ADVERSE POSSESSION since Year 2000. After residing thereat for 12 years I filed with the Registry of Deeds-Binangonan a Petition for ADVERSE CLAIM under Section 70 of P.D. 1529 for issuance of an Original Certificate of Title (OCT) in my favor on September 5, 2012 which was annotated at the back of TCT No. 599677.
On December 5, 2014, a Friday, my family was threatened by Sheriff IV Ma. Teresa Leis to be evicted from our home within five (5) days from said date if no action is filed by Laoag Paras to appeal the Decision of Rizal RTC Br 98 Judge Ma. Consejo Ignalaga on September 19, 2013, granting petitioner BALIKATAN’s application of a writ of possession of property located at the above address.
On her decision, Judge Ignalaga subsequently issued a Certificate of Sale  of TCT No. 599677 “…on July 22, 2010 and registered with the Office of Registry of Deeds for Marikina, Metro Manila on March 31, 2009 under Entry No. 2012000398. On May 4, 2009, a demand letter was sent by petitioner’s counsel to Carlos Mangona, Jr. to vacate the subject property but failed to comply.”
On the same date of July 22, 2010, another Certificate of Sale of TCT No. 599677 but distinct from the one issued by Judge Ignalaga, was also issued to Balikatan Property Holdings, Inc. by the Antipolo City Clerk of Court and Ex-Officio Sheriff Joselita C. Malibago-Santos, prepared and verified by Rolando P.Palomares, Sheriff-in-Charge, and noted by Executive Judge Ruth C. Santos. In its footnote of the 2-page certificate of sale, spouses Carlos Mangona and Cheryl Ann Mangona were allegedly copy furnished thru mail dated August 22, 2010.
On page 5 of TCT No. 599677, Entry No. 2012000398 dated January 13, 2012 2:27 pm, there appears an annotation “Certificate of Sale: Issued by the Sheriff of Regional Trial Court, Antipolo City, in favor of Balikatan Property Holdings, Inc. as the highest bidder, for the sum of Phl 629,129.36 subject to redemption within a period of one (1) year from and after the date of registration hereof in accordance with the Certificate of Sale dated July 22, 2010. Federico M. Cas, Registrar of Deeds” for Registry of Deeds-Binangonan, Binangonan, Rizal.
On the same page 5 of TCT No. 599677 after 2 spaces below is written, Entry No. 2012008124 dated September 5, 2012 2:15 pm – “Consulta raised by registrant: Memoramdum: October 17, 2012, 10:38 am Re: Notice of Adverse Claim under Entry No. 2012008124 dated 09/05/2012, to the Administrator, LRA. Edgar H. Naig, Uploading Clerk, Registry of Deeds.”  (emphasis supplied)
In its footnote – “This title is subject of an on-going transaction with Entry No. 2012008124 and Entry Date: Sept 5, 2012 2:15PM” OR No. 1005084346; OR Date:May 26, 2013; Amt Paid: 311.54. Issued at Registry of Deeds of Province of Rizal. Requested by LAOAG PARAS. 
It is very clear therefore, that the Notice to Vacate which was served to Laoag Paras’ family by Sheriff IV Maria Teresa S. Leis based on the Decision of Presiding Judge of RTC Br 98, Taytay, Rizal, Ma. Consejo Ignalaga was SPURIOUS?
Precisely, Balikatan is making this PRETEXT against Laoag Paras and other homeowners in conspire with Sheriff Leis in able for Paras to violate Section 5, Rule 7 of the Rules of Court, otherwise, known as the Forum Shopping Law, when he will supposedly files LIS PENDENS with the Ignalaga court?
Double selling of low-cost housing a la Delfin Lee by Balikatan is rampant in Rizal province.
I pray that Your Honor finds my complaint of conspiracy against my family by Balikatan and Taytay RTC Br 98 meritorious for investigation and action.
My contact details are:
1.     Cellphone No. 0908 688 4773
2.     Landline No. (02) 557 3478
3.     leoparas.blogspot.com

Very truly yours,

LAOAG A.PARAS, Complainant


Attachment: 200 pages of documentary evidence including this 3-page letter-complaint.

            IN WITNESS WHEREOF, I have hereunto set my hand this ___day of December, 2014 at Taytay, Rizal.


                                                                                                LAOAG A.PARAS
                                                                                                          Affiant

            SUBSCRIBED AND SWORN TO before me this ___ day of _________ , in Taytay, Rizal, affiant who personally appeared and affixed his signature and exhibited before me as competent evidence of identification _________ with No. ______________________ .

                                                                                                Notary Public

Doc. No. ___
Page No. ___
Book No. ___
Series of 20__


Monday, December 8, 2014

IN RE: LRC CASE RTC DECISION IN FAVOR OF PETITIONER BALIKATAN

Exceptions to the rule that the issuance of a writ of possession is a ministerial function of the court.

These are: 1) Gross inadequacy of purchase price; 2) Third party claiming right adverse to debtor/mortgagor (Palmera Homes, Inc), and 3) Failure to pay the surplus proceeds of the sale.

ALL these peculiar circumtances were found in the Balikatan case.

FORECLOSURE OF THE LOW-COST HOUSING BY BALIKATAN WREAKED HAVOC ON THE HOUSING SCENE - PART 2

ANA: "Oy, 'lamobang nag-consolidate ng mga documents si Sir Leo hinggil sa kanyang isinampang reklamo sa NBI noong December 11, 2012 laban sa sindikato ng multi-billion peso land grabbing syndicate sa buong Phl na pinangungunahan ng SABWATANG Balikatan, RTC-Antipolo at Register of Deeds-Binangonan? Hay, preponderance of evidence talaga, ang kapal-kapal. Kase, obviously, mali-mali ang mga petsa sa decision ni onorabol judge Ma. Consejo Gengos-Ignalaga ng RTC Br 98, dated September 19, 2013, re: sa pag-ISYU nito ng writ of possession pabor sa Balikatan laban sa property ni Sir Leo! Magkano kaya ang dahilan, Balikatan-BFS Pres Federico Cadiz, Jr, Sir?"

LISA: "Uh-unga 'ga. Kase, inayunan para maisyuhan ng Ignalaga court ang ex-parte petition of a writ of possession ang Balikatan para ligal na KAMKAMIN kuno ang property ni Sir Leo na TITULADO sa FICTITIOUS na tao. Ang titulo ng lupa eh nakautang bilang COLLATERAL na HUHULUGAN sana ng may-ari ngunit fictitious ngang tao, pabor sa Palmera Homes, Inc. sa halagang P374,859.00 no'ng August 24, 1992, batay sa annotation ng RD-Binangonan sa likod ng titulo. No'ng January 13, 2012, batay sa Entry No. 20122000398, meron bagong annotation ang titulo - Certificate of Sale - na inisyu ng Sheriff ng RTC-Antipolo dated July 22, 2010 pabor sa Balikatan Property Holdings, Inc, at HINDI SA PALMERA HOMES, INC, na siyang mortgagee at holder ng mortgaged property batay sa titulo. BAKIT pabor sa Balikatan?"

CION: "At batay nga sa nilalaman ng decision ng Ignalaga-court re: sa annotation ng titulo, eh MISLEADING. Kase, magkaiba ang DATE and PLACE ng certificate of sale na unang inisyu ng Sheriff ng RTC-Antipolo porke nirehistro umano ang certificate of sale under Entry 2012000398 sa Registry of Deeds for Marikina on March 31, 2009! Susmaryopes, nalokona! Samantala, kung inobliga lang sana ni judge Ignalaga ang ex-parte petitioner na ipresinta sa Korte ang owner's copy ng titulo, disin sana'y nakita ng huwes na merong bagong annotation ang titulo - Entry No. 2012008124 dated September 5, 2012 at 2:15 pm - RE: NOTICE OF ADVERSE CLAIM TO THE ADMINISTRATOR, LRA. Well, 'di masisisi si huwes Ignalaga na nakaperHUWISIO ke Sir Leo ang disisyon niya, kase, MAKAPAL ang ipinantakip sa kanyang mata nang Balikatan?"  

Friday, December 5, 2014

AN OPEN LETTER TO PNOY

Palmera Hills II Subdivision
Taytay, Rizal
December 6, 2014

Dear PNoy,

Ako po ay si Laoag Albano Paras, a.k.a. Ole Sapra (Leo Paras). Ako po'y dating deskman ng Ang Pilipino Ngayon (APN), now, Pilipino Star Ngayon (PSN) ng Phl Star Publishing bago naging Konsehal ng 3rd District ng Quezon City noong panahon ng inyong mahal na ina, ang Mahal na Pangulong Cory.

Hindi po ito ang unang pagkakataon na sumulat ako upang ipagbigay-alam sa inyo ang walang-katapusang paggigipit ng DB Global Opportunities (DBGO), o mas kilala sa tawag na BALIKATAN, kasabwat nito ang pekeng homeowners' association ng Palmera Hills II Subd. at ang Regional Trial Court-Antipolo para sa double-selling ng low-cost housing a la Delfin Lee sa buong Rizal province.

Noong December 11, 2012 (12:15 pm) ay nagsampa ako ng reklamo sa National Bureau of Investigation (NBI) laban sa walang-humpay na land grabbing activities ng sindikato na bumiktima na ng mahigit 52,000 homeowners, batay sa report ng Committee News, Volume 15 / No. 49 / June 11, 2008 (http://www.congres.gov.ph) ng House of Representatives at patuloy pang bumibiktima hanggang sa panahong ito ng marami pang homeowners sa buong Pilipinas.

Napasa-aking pamilya ang aming tirahan sa Palmera Hills II Subd sa pamamagitan ng adverse possession sa ilalim ng Section 70, P.D. 1529 noong 2000 at makalipas ang 12-taon (September 5, 2012) ay nagharap ako ng Petition for ADVERSE CLAIM sa Register of Deeds-Binangonan para maisyuhan kami ng Original Certificate of Title (OCT) kapalit ng Transfer Certificate of Title (TCT) na nakapangalan sa hindi totoong-tao (fictitious).

Kahapon ng alas-2 ng hapon (December 5, 2014) ay dumating sa aming bahay, habang wala ako, ang isang nagpakilalang sheriff at isinilbi ang isang NOTICE TO VACATE at may kabastusan umanong ipinagduldulan sa aking asawa, Rosita Paras, para tanggapin ang dokumento at pilit pang pinapipirma. Hindi napilit na lagdaan ng aking asawa ang dokumento kahit iniwan din ng sherrif ang dokumento, pero ng dumating ako'y dinatnan kong kinakapos sa paghinga ang aking asawa.

Nang bumuti na ang kalagayan ng aking asawa ay minabuti kong kagyat na magsadya sa RTC Branch 98, Antipolo, en punto alas-3 y medya, upang kausapin si Sherrif IV Maria Teresa S. Leis, ang nagsilbi ng Notice to Vacate sa aking asawa, ngunit hindi na pala sa Antipolo ang opisina ng RTC Br. 98 porke lumipat na sa bagong munisipiyo ng Taytay, Rizal. Samantala, bakit sa Antipolo pa rin ang address ng RTC Br. 98 kung saa'y siyang nag-isyu ng isinilbing Notice to Vacate na may petsang December 5?

Halatang nataranta si sherrif Leis sa hindi niya inaasahang pagpunta ko sa kanya, dala-dala ko ang mga dokumento at ang titulo ng aking property - TCT No. 599677 - na mayroong annotation sa likod:

"Entry No. 2012008124                                                         Date: September 5, 2012  2:15 pm
CONSULTA RAISED BY REGISTRANT:  MEMORANDUM: OCTOBER 17, 2012, 10:38 AM
RE: NOTICE OF ADVERSE CLAIM UNDER ENTRY NO 2012008124 DATED 09/05/2012 TO
THE ADMINISTRATOR, LRA.

Edgar H. Naig
Uploading Clerk"

Noong May 28, 2013, sa ilalim ng OR#4013032 at OR#4018040 ay kumuha ako ng sertipiko kung saan ginanap ang subasta - CERTIFICATE OF SALE of TCT No. 599677 - sa RTC, Office of the Clerk of Court, Ex-Officio Sherrif, Antipolo City - "IT IS HEREBY CERTIFIED, that on the November 25, 2009 at 10:00 o'clock in the morning, at the main entrance of the Municipal Bldg. of Taytay, Rizal, by virtue of a Real Estate Mortgage, ."
Duly signed by Joselita C. Malibago-Santos, Clerk of Court and Ex-Officio Sheriff; Prepared and Verified by Rolando P. Palmares, Sheriff-in-Charge, and Noted by Executive Judge RUTH C. SANTOS.

Samantala, hindi tugma ang lugar kung saan ginanap ang subasta batay naman sa kopya ng CERTIFICATE OF SALE na ipinarating sa amin ni Sheriff Leis para sa TCT No. 599677, batay sa Decision ni Judge MA. CONSEJO GENGOS-IGNALAGA, Presiding Judge of RTC Br. 98 dated September 19,2013 - "... and a certificate of sale was subsequently issued on July 22, 2010 and registered with the Office of the Registry of Deeds for Marikina, Metro Manila on March 31, 2009 under Entry No. 2012000398."

Mahal na PNoy, matindi na po ang epekto ng panliligalig ng Balikatan o BFS laban sa mga homeowners, partikular dito sa Palmera Hills II, Taytay, Rizal. Kasabwat ng Balikatan ang pekeng homeowners' association dito sa aming subdivision sa pagpapalayas ng mga lehitimong homeowners ng Balikatan o BFS. Namatay dahil sa atake sa puso si Ramon Dejumo, may-ari ng property by adverse possession sa Blk 11, Lot 4 (TCT No. 592979) noong buwan ng Julio makalipas ang bagyong Glenda, dahil puwersahan siyang pinalayas ng Balikatan sa tulong ng pekeng homeowners' association sa pamumuno ni Ginoong Edgardo Leones.

Para sa kaalaman ng mahal na PNoy.  

















  






Wednesday, December 3, 2014

"CONFIDENT OF THE END GAME TOWARD MALACANANG"

ANA: "Aysus maryopes, sino ba'ng manggagatong ang nagsabing confident kuno si Nognog na maluluklok sa Malacanang pagsapit ng end game? Hindi ba parang nagpapalakas na laang ng kalooban itong mga BINAYarang TANGApagsalita ni Nognog para maalis ang atensiyon ng publiko sa mga KAHINDIK-HINDIK na pandarambong ng dinastiya ni Nognog?"

LISA: "Kung tutuusin mong maige, hindi pupuedeng umurong sa kanyang kandidatura bilang panggulo si Nognog, kase, mawawalan na siya ng dahilan para huwag siputin ang mga Senate BRsubC hearings. Kitang-kita naman ang ebidens na siya UMANO eh BUSY (nagbi-busy-bisihan) porke nililibot ang buong Phl sa pangangampanya ng maaga at nagpapamudmod ng grasya sa mga bobotantes bilang PRETEXT, o, 'di ba?"

CION: "Sadya kasing AYAW-ALAMIN ng mga BOBOtantes ni Nognog na siya'y pusakal na mandarambong at ginagastos nito ang kuarta mula sa kaban-ng-bayan para ipantustos sa kanila sa buong bansa sa pamamagitan ng kilong bigas, de-latang pagkain, t-shirt na me tatak iboto si Nognog at cash na 5-daang piso. Ginagamit din ang Boy Scouts of the Phl sa tarpolina bilang BSP for BSP - Binay-sa-pagkapanggulo! Hay, juice ko, ang kapal ng APOG talaga."