ANA: "Asus ginoo, bukod sa mga intelligent voters, eh mismong si SAJ Tony Carpio na ang kumokuestiyon sa SC voting in Gracia's DQ case(s). Batay kase sa bilang ni CJ Sereno, 9-6 ang justices na bumoto para ibasura ang DQ ng Comelec against Gracia, samantalang 7 justices lang talaga ang sumang-ayon na si Gracia eh natural-born. So, iginigiit ngayon ni Justice Carpio na walang MAJORITY VOTE ang SC pabor ke Gracia, porke ang totoong boto ng justices eh 7-5-3."
LISA: "Uh-unga 'ga. Ayon ke SAJ Carpio - 'for a case where all 15 justices deliberated upon and voted, AT LEAST 8 votes are needed to achieve a MAJORITY ruling' - o, kitam? Kase, batay sa SC internal rules requires - '..shall be made up upon the concurrence of majority of the members of the Court who actually took part in the deliberation on the issue or issues involved and voted on them.' 'Di naman maikakailang present lahat ang 15 mahistrado sa en banc session, so anong say mo, Tsis?"
CION: "Sabi ni SAJ Carpio: 'The ruling of the majority will lead to absurd results, making a mockery of our national elections by allowing a presidential candidate with uncertain citizenship status to be potentially elected to the Office of the President, an Office expressly reserved by the Constitution exclusively for natural-born Filipino citizens.' Por eksampol manalo si Gracia ('wag mong ITULOT, juice koh) para prisidinti ng Phl, sa palagay mo kaya eh matatapos na rin ang NBFC kaso nito, Tsis?"
No comments:
Post a Comment