ANA: "Ay, an'dami kong tawa sa ganting pagkutya ni Mar ke Nognog, peksman! Una kase, pinasaringan ni Nognog si Mar na wala raw nagawang solusyon sa problema sa MRT no'ng siya pa ang DOTC secretary, kung kaya laging nangungunyapit daw ngayon si Mar sa survey. Eh ang ganting HAMBALOS naman ni Mar vs Nognog - TURN PHL INTO NEXT MAKATI? PLEASE DON'T! - sabi ni Mar. Ito 'yung isyu ng 13% na komisyon (kickback) laban sa BINAYaran dynasty re: P2.3-B overpriced Mkt City Hall Build II, see?"
LISA: "Tampulan na kasi ng pansin ng nagmamatyag na madlang-pipol ang mga ipinupublikang talumpati ni Nognog sa kanyang provincial sorties. Mga NEBULOUS (malabong pahayag) niya, o PANGAKO, sa harap ng mga kahakot-hakot na BOBOtantes na pawang nakasuot ng Nognog blue t-shirt, at banat laban ke Mar, o, hah! Bilang meyor ng Mkt sa loob ng 2 dekada, ipinagyayabang ni Nognog, bilang isang trophy, ang kanyang kagalingan sa PANDARAMBONG? Kung uukilkilin, eh DIDDLE (linlang) lang 'to ni Nognog!"
CION: "Kapuna-puna talaga ang init ngayon ng kampanyahan. Statistically tied DAW sa number 1 slot sina Nognog at Gracia sa latest survey ng False Acia, kasunod ang pantay ding score kuno nina Duteteng at Mar, 'tsaka lalambi-lambitin si Brenda at malamang na 'di na makakahabol pa. Pero ang 'di ko maintindihan eh, bakit ang mga nangunguna kuno sa survey (Nognog at Gracia) eh walang habas kung alipustahin, kutyain at libakin si Mar samantalang wala naman legal issue vs Mar, na anti-dynasty, plunder at DQ cases, o, 'di ba?"
No comments:
Post a Comment