ANA: "Mismong mga political party bigwigs ni Ate Glo (Lakas-CMD) ang nagkanya-kanya na kung sino ang susuportahan sa pagka-presidente; si Mar, si Gracia, si Nognog o si Duteteng. WA EPEK sa kanila kung sino man ang mataas sa survey sa mga presidentiables. Alam nilang BOLA lang ang results ng mga survey. Kase, addressed lang 'to para sa consumption ng MILLENIAL electorates, mga edad 35 pababa, na 'di nakaranas ng lupit ng martial law ni Apo Perder, tatay ni Bongget, see?"
LISA: "Uh-unga 'ga. Kung merong 55 million total voting population ang Phl, eh 35 million dito'y millenials na target sa pamBO BOla ng SWS at False Acia na SUKI ng mga tsekwang negosyante, 'gaya ni Dandong Ko Hwang Kho na backer ni Gracia, at ni TONGresman Tyang Kho na backer naman ni Nognog. Gumagamit na ng kuwarta sa pamumulitika mula sa pandarambong ang partido UNA ni Nognog, kaya pogi ang tingin sa kanya ng millenials kahit tadtad siya ng kurikong sa face!"
CION: "Ang Lakas-CMD ng Batangas sa pangunguna ni dating ExeSec Ermita ng Ate Glo Adm eh nagdeklarang ibubuhos ang buong suporta sa LP ni Mar-Leni. Samantala, sa Pampanga na balwarte naman ni Ate Glo, eh nagdeklara rin si Pampanga Gov Lilia Pineda ng SOLID na suporta sa buong LP ng Mar-Leni tandem! Humahalimuyak na talaga sa KABANGUHAN ang Mar-Leni tandem, kumpara sa UNA at Independent parte-parte nina Gracia at Duteteng, paligsahan according to odor!"
No comments:
Post a Comment