ANA: "Gumagamit kase ng malalim na salitang English ang karamihan sa mga kolumnista kaya 'di masyadong naintindihan ng Phl electorate ang kanilang paliwanag hinggil sa tunay na 'wento ng martial law ni Apo Perder, tatay ni Bongget, o, hah! 'Yung tinatawag na MILLENNIALS (adj) - '3. a time of peace and happiness, esp. in the future' - [Collins English Dictionary], edad 35 pababa, sila 'yung mga hindi nakaranas ng LUPIT ng martial rule ng tatay ni Bongget, see? So, posibleng mangibabaw ang kanilang boto para ipanalo ni Bongget!"
LISA: "Eh pa'no kase, walang nagmalasakit na presidente after the term of Tita Cory, para ipag-utos sa DECS na magdagdag ng curriculum (history subject re: martial law) mula elementary hanggang high school, noh! So, ang resulta eh ramdam nang TRANSCEND (nalampasan) na, o kaya'y majority na ng millennials ang 55-M voting population ng Phl! Wala kasing nakapag-isip kanino man kina dating panggulong Tabako, Erap at Ate Glo, na balak ng Marcoses na makabalik sa Malacanang para muling magbaba ng martial law?"
CION: "Well, para sa'ken eh napapanahon naman ang pagtatapunan ng paratang laban sa isa't-isa ng mga kandidato para MAKALKAL at malantad sa madlang-pipol ang BAHO ng bawat isa, araguy! So, tunay na INESCAPABLE ('di maiiwasan) na mahayag ang talagang pagkatao nila, 'gaya nina Nognog, Bongget at Duteteng, na bukod sa mga produkto ng political dynasty, eh kapwa rin me kasong pandarambong vs sa 2 una. Samantala, si Gracia eh totoong sinungaling siya, kapatid ng magnanakaw, kase me 2 SSN sa US!!!"
No comments:
Post a Comment