ANA: "Nasa tamang panahon ang pag-organize ng Silent Majority para maging PERSUASIVE (manghikayat) ng kasapi para isulong ang kandidatura ng ROXAS - ROBREDO for CONTINUITY of Daang Matuwid ng PNoy administration, 3 weeks bago sumapit ang eleksiyon sa May 9, 2016. Sa araw na ito eh 200,000 na ang bilang ng rehistradong kasapi sa buong Phl, kasama ang mga OFW sa abroad na nakaboto na. Bawat family ng isang kasapi eh meron din 4 pa na botante para sa RO-RO."
LISA: "Uh-unga 'ga, me tama ka r'yan! Pero lumantad na no'n pang isang gabi at nagpakita ng PUWERSA ang mga kasapi ng Silent Majority sa Araneta Coliseum sa Cubao, Quezon City. Samakatwid, hindi na sila SILENT, kundi sila ngayo'y A MILLION INTELLIGENT VOTERS for ROXAS - ROBREDO tandem, o, hah! Hindi nila alintana kung saan man silang rehiyon nakabase, 'gaya ng Ilocano halimbawa, eh RO-ROpa rin ang iboboto at hindi ang kanilang province-mate, see?"
CION: "Ay, ang galing naman! So, ibig sabihin, ang isang intelligent voter eh 'yung hindi kumakampi o BOBOto sa kandidatong naging classmate niya, o isang kamaganak o kaprobinsiya, o kaya'y isang VOTE BUYER, o, hah! Oy, 'lamobang nagkahetot-hetot na ang kandidatura ni Duteteng dahil sa ibinulgar ni Sen Sonny Trillanes? Biruin mong MANDARAMBONG din pala si Duteteng na 'gaya ni Nognog, noh! Sino man halimbawa ang manalo kina Duteteng, Nognog, Gracia - IMPEACHABLE!"
No comments:
Post a Comment