ANA: "Tigib-ng-balisa si Nognog na bumandera sa huling SWS survey si Duteteng! Kasi, halatadong nasindak siya sa resulta ng survey at INAMIN sa kanyang praise release, na ang tunay naman daw nitong kalaban, eh si Mar, see? Balewala raw sa kanyang laban sina Gracia at Duteteng at tinawag pa niyang sila'y tumatakbo lamang sa ilalim ng PRACTICAL POLITICS. Ibig niyang sabihin, Duteteng and Gracia had no political organizations & were just getting support from political leaders, o, hah!"
LISA: "Yes, yes yeow! Eh mukha namang me 'WENTA ngayon ang patutsada ni Nognog vs Gracia and Duteteng, 'di ba? Sabi pa ni Nognog, 'on election day the contest would be between ME and MAR because we have the political machinery to deliver the votes.' Oke, batay sa history, 2 former House Speakers under big political machineries, Ramon Mitra and Joe de Venecia, FAILED in their presidential runs in 1992 & 1998 respectively. Babaguhin kasi ang sistema ng Gov't kung mananalo."
CION: "Me tama ka r'yan, 'day! Plataporma-de-Gobierno ang tawag diyan. Itutuloy ng MAR-LENI tandem, kung sila kapwa ang mananalo, ang Daang Matuwid ni PNoy para lalo pang UMANGAT ang kabuhayan ng Pinoy simula noong 2010 kung kelan nanungkulang President si PNoy, peksman! Hindi 'gaya ng mga presidentiables Nognog, Duteteng at Gracia na pawang mga PANGAKO at PAGBABAGO ang ipinangangalandakang sistema nila ng Gov't. Ibig sabihin, magUUMPISA ULI!"
No comments:
Post a Comment